Covid update: impormasyon at hindi diskriminasyon

Anim (+6) na positive
Zero (-0)na negative
Pitong (7) na swab
Walang (0) naka recover sa araw na ito

Si Patient No. 281 ay 26 taong gulang nagtatrabaho sa Cabanatuan, mula sa barangay Triala, ipinagpapalagay na nakuha nya ito sa ibang bayan subalit diretso pa din ang isinasagawang contact tracing. Nakakwarantina na.

Si Patient No. 282 ay 24 taong gulang mula sa barangay Tampac 1 at kasalukuyang nasa barangay St John, walang travel history at wala din exposure kung kayat dire diretso ang isinasagawang contact tracing upang madetermina kung saan nya ito nakuha. Naka kwarantina na ang ating pasyente

Si Patient No. 283 ay 35 taong gulang nagtatrabaho sa isang bangko sa labas ng ating bayan, mula sa barangay Saranay. Inaalam pa ang kanyang mga nakasalamuha at coordinated na sa kanyang pinagtatrabahuhan. Nagkwarantina ito ng kanyang sarili at nagreport sa rhu ng may maramdaman na.

Si Patient No. 284 ay 36 taong gulang mula sa barangay Subol, walang travel history at close contact ni Pt No. 234. Nakakwarantina na ito matapos na maging close contact.

Si Patient No. 285 ay 3 taong gulang mula sa barangay Saranay, nagtungo sa Rizal kasama ang kanyang ama, close contact ni Pt No. 283 at nakakwarantina na.

Si Patient No. 286 ay 44 taong gulang mula sa barangay Galvan, nagtungo sa isang ospital sa Cabanatuan ng ilang beses hanggang ma admit. Nakikipag ugnayan na ang RHU upang ma contact trace ang kanyang mga nakasalamuha.

Sa kasawiang palad ay binawian na ng buhay si Pt No. 244.

Pinapaalalahanan ang lahat
Kung mahal nyo ang inyong buhay at buhay ng inyong mga pamilya, sana po maging maingat tayo kung nasa labas ng bahay at may mga nakakasalamuhang tao maging kaibigan o kamag anak.

MASK, SHIELD, HUGAS, IWAS. Ito ang ating natitirang depensa laban sa Covid 19.

COVID19 Update as of May 7, 2021 photo