Covid 19 update: impormasyon at hindi diskriminasyon

Ulat ng MHO RHU:
Walo (+8) ang nagpositibo ang kanilang reasulta
Lima (-5) ang negative
Isang (1) pending
Walang nadeklarang recovered
37-swabbed ngayong araw

Si Patient No. 273 ay 50 taong gulang mula sa barangay Subol, walang history of travel at naging close contact ni Pt No. 202. Nakakwarantina na ang ating pasyente maging ang mga nakasalamuha nito matapos maging close contact ng isa pang pasyente.

Si Patient No. 274 ay 50 taong gulang mula sa barangay Manacsac, nagtungo sa Cuyapo at Cabanatuan, walang exposure kung kayat patuloy ang contact tracing upang madetermina kung saan nya ito posibleng nakuha habang inaalam na din ang kanyang mga nakasalamuha.

Si Patient No. 275 ay 14 taong gulang mula sa barangay Sta Veronica, walang history of travel, close contact ni Pt No 255. Nakakwarantina na ang ating pasyente.

Si Patient No. 276 ay 46 taong gulang mula sa barangay Sta Veronica, nagtungo sa Tarlac at naging close contact ni Pt No. 255. Nakakwarantina na ang ating pasyente.

SI patient No. 277 ay 48 taong gulang nagtatrabaho sa korte, mula sa barangay Cawayan Bugtong, may history of travel sa Cabanatuan, Quezon City at Aliaga, close contact ni Pt No. 255. Nakakwarantina na ang ating pasyente.

Si Patient No. 278 ay 23 taong gulang, mula sa barangay Cawayan Bugtong, may travel history sa Cabanatuan, walang exposure at kasalukuyang tinutukoy pa kung saan nya ito nakuha. Nakakwarantina na ang ating pasyente

Si Patient No. 279 ay 29 taong gulang mula sa barangay Cawayan Bugtong, may history of travel sa Cabanatuan at walang exposure kung kayat kasaluluyang diniditermina kung saan nya ito posibleng nakuha.

Si Patient No. 280 ay 52 taong gulang. Mula sa barangay Pasong Inchik, walang travel history at naging close contact ni Pt No. 233. Nakakwarantine na ang ating mga kababayan

Inihahanda na ang mga foodpacks para sa ating mga kababayang naka kwarantina at isinasaayos na ang lahat ng kakailanganin habang ang disinfection team naman ay nag schedule na.

Patuloy namin pinaaalalahan ang lahat na
Mag MASK, SHIELD, HUGAS, IWAS