Covid 19 update: impormasyon at hindi diskriminasyon

Ulat ng MHO RHU:
Anim (+6) ang nagpositibo ang resulta
Labing dalawa (-12) ang negatibo
Isang (1) pending
Apat (4) na recovered
Tatlumput syam (39) na katao ang naswab

Si Patient No. 267 ay 9 taong gulang mula sa barangay San Roque, walang history of travel at walang exposure. Kasalukuyang kino contact trace ang kanyang mga nakasalamuha at sinusuri kung sa kabahay nya ba ito nakuha o kung saan man.

Si Patient No. 268 ay 50 taong gulang, empleyado ng STL, mula sa barangay Caballero, nagtungo sa Bitas Cabanatuan at kasalukuyang naka admit sa isang pagamutan. Tinutukoy na ng mga tracers kung saan nya ito posibleng nakuha.

Si Patient No. 269 ay 57 taong gulang empleyado ng RHU mula sa barangay Sta Veronica, walang history of travel at hindi pa natutukoy ang kanyang exposure. Kasaluluyang naka kwarantina.

Si Patient No. 270 ay 25 taong gulang nagtungo sa Gen Natividad, mula sa barangay Cawayan Bugtong. Tinutukoy na ng mga tracers kung saan nya ito nakuha. Nakakwarantina na ang pasyente.

Si Patient No 271 ay 51 taong gulang mula sa barangay Bacayao, walang history of travel, close contact ni Pt No. 217. Naka kwarantina na ang ating pasyente simula pa ng maging close contact ng isang index patient.

Si Patient No. 272 ay 81 taong gulang mula sa barangay Bagong Bario, walang history of travel at exposure, kasalukuyang inaalam kung saan nya ito nakuha habang naka admit ang pasyente sa isang pagamutan.

Isinasaayos na ang kanilang food packs at iba pang pangangailangan ayon sa utos ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon habang tinutukoy pa ang mga walang exposure kung saan nila ito nakuha. Nag schedule na ng disinfection para ma dekontamina ang kanilang lugar.

Manatili po tayong nagiingat sa lahat ng panahon at pagkakataon sa pamamagitan ng MASK, SHIELD, HUGAS, IWAS.

COVID19 Update as of May 5, 2021 photo