Covid 19 update: impormasyon at hindi diskriminasyon

Labing tatlo (+13) ang nagpositibo
Labing walo (-18) ang negatibo
Isang (1) pending result
Labing anim (16) ang na swab
Tatlo (3) ang naka recover

Si Patient No. 254 ay 69 taong gulang mula sa barangay Macatcatuit, walang history of travel at exposure kung kayat pinagpapatuloy ang contact tracing habang nakakwarantina

Si Patient No. 255 ay 43 taong gulang mula sa barangay Sta Veronica, empleyado, nagtungo sa Tarlac at admitted na sa isang ospital sa Tarlac.

Si Patient No. 256 ay 42 taong gulang, empleyado sa Talavera, mula sa barangay Sta Veronica, pumapasok sa trabaho sa Talavera at ngayon ay nakakwarantina na.

Si Patient No. 257 ay 44 taong gulang na magsasaka, mula sa barangay Camiing, nagtungo sa isang ospital sa Tarlac at kasalukuyan ng naka kwarantina.

Si Patient No. 258 ay 51 taong gulang nagtatrabaho sa Makati, mula sa barangay Partida at kasalukuyan ng nakakwarantina.

Si Patient No. 259 ay 61 taong gulang mula sa barangay Saranay, may trabaho at pinaniniwalaang close contact ni Pt No. 218. Nakakwarantina na ang ating pasyente.

Si Patient No. 260 ay 50 taong gulang nagtatrabaho sa Cuyapo mula sa barangay Sta Veronica, close contact ni Pt No. 218 at nakakwarantina na.

Si Patient No. 261 ay 23 taong gulang nagtatrabaho sa Pampanga, mula sa barangay St John, na exposed sa kanyang kasamang nagmulq sa Baler at kasalukuyang nakakwarantina.

Si Patient No. 262 ay 19 taong gulang estudyante mula sa barangay Sta Veronica, walang history of travel at na exposed kay Pt No. 218. Nakakwarantina na ang ating pasyente

Si Patient No. 263 ay 63 taong gulang mula sa barangay Saranay naexposed kay Pt No. 259 habang si Pt 259 ay na exposed naman kay Pt 218. Kasalukuyan ng nakakwarantina.

Si Patient No. 264 ay 70 taong gulang, may trabaho, mula sa barangay Cavite at na exposed kay Pt No. 218. Nakakwarantina na.

Si Patient No. 265 ay 44 taong gulang, may trabaho mula sa barangay San Andres at naexposed kay Pt No. 218. Nakakwarantina na

Si Patient No. 266 ay 76 taong gulang mula sa barangay San Roque, walang travel history at kasalukuyang diniditermina kung saan nya ito nakuha. Nakakwarantina na ang ating pasyente.

Nadeklarang recovered na sila
Pt No. 189 ng barangay Manacsac
Pt No. 131 ng barangay San Miguel
Pt No. 200 ng barangay C.Bugtong
Ayon sa DOH recovery and discharge criteria

Ang lahat ng naka kwarantina ay ipinagutos na ng ating Mayor Boyong Boyong na maasikaso ang kanilang mga pagkain at pangangailangan.
Muling magpupulong ang IATF Guimba upang mag assess ng mga kaso sa ating bayan ng sa gayon ay makapag rekomenda ng naaayon sa kalagayan.

Habang paulit ulit na ganito ang pangyayari sa ating bayan ay paulit ulit naming hinihiling ang kooperasyon ng lahat na sumunod sa MASK, SHIELD, HUGAS, IWAS.

Manatili po tayong nagiingat habang kami ay nagsasagawa ng assessment ng mga lugar na may nagsusulputang kaso. Gagawin ng pamahalaang lokal ang lahat upang maitawid ang bawat isa sa daluyong ng pandemyang ito.

COVID19 Update as of May 4, 2021 Photo