Covid update: impormasyon at hindi diskriminasyon

Dalawang (+2) kababayan natin ang naitalang positibo, walang lumabas na resulta sa araw na ito, dalawamput anim (26) ang naswab at limang (5) recovered.

Si Patient No. 252 ay 74 taong gulang mula sa barangay Manacsac, walang history of travel, wala pang identified na exposure maliban sa mga kabahay at nauna lamang na na test dahil sa kanyang medikal na kundisyon. Admitted na sa isang pagamutan ang ating pasyente.

Si Patient No. 253 ay 63 taong gulang mula sa barangay Bantug, nagtungo sa Gerona Tarlac, walang exposure at admitted na sa pagamutan. Kasalukuyang tinutukoy ang kanyang mga nakasalamuha at isinasaayos na ang kanilang mga pagkain at gamit.

Nadeklarang recovered na sila:
Pt No. 183 ng barangay Bacayao
Pt No. 169 ng barangay Saranay
Pt No. 170 ng barangay Saranay
Pt No. 191 ng barangay Bunol
Pt No. 163 ng barangay St John
Ayon sa DOH recovery and discharge criteria

Magingat po tayong lahat
Mag MASK, SHIELD, HUGAS, IWAS po tayo mga kababayan. Tulungan po natin ang lokal na pamahalaan. Maaari po kayong manita ng mga pasaway, huwag payagang lumabas ng bahay ang mga menor de edad at senior hanggat maaari at iwasang dumalo sa mga pagtitipon katulad ng handaan at pagdiriwang.