Ulat mula sa MHO/RHU

Labing Apat (+14) ang nagpositibo
Dalawa (-2) ang negatibo
Isa (1) ang recovered

RT-PCR Test
1 pending
2 negative
13 positive

Antigen Test
30-negative

Si Patient No. 381 ay 54 taong gulang na negosyante, mula sa barangay Sto Cristo, nagtungo sa Cuyapo, Cabanatuan at Pantabangan, patuloy na inaalam pa kung saan nya ito nakuha. Nakakwarantina na ang ating pasyente.

Si Patient No. 382 ay 40 taong gulang nagtatrabaho sa Cabanatuan, mula sa barangay San Roque, tukoy na kung kanino at saan nya ito nakuha. Nakakwarantina na.

Si Patient No. 383 ay 38 taong gulang mula sa barangay San Roque, walang history of travel at tukoy na kung kanino nya ito nakuha. Nakakwarantina na.

Si Patient No. 384 ay 76 taong gulang ma sa barangay San Roque, walang history of travel at tukoy na kung kanino nya ito nakuha. Nakakwarantina na.

Si Patient No. 385 ay 42 taong gulang mula sa barangay Nagpandayan, walang history of travel at exposure kung kayat malalimang inaalam kung saan nya ito nakuha. Nakakwarantina na.

Si Patient No. 386 ay 19 taong gulang detainee, mula sa barangay Banitan inaalam pa kung saan nya ito nakuha, nakakwarantina sa isang pasilidad.

Si Patient No. 387 ay 31 taong gulang police officer mula sa barangay Manacsac, walang history of travel at posibleng na expose sa mga detainee na nagpositibo. Nakakwarantina na sa isang pasilidad.

Si Patient No. 388 ay 17 taong gulang mula sa barangay Guiset, walang history of travelnat exposure kung kayat patuloy na inaalam ang kanyang mga posibleng napuntahan at nakasalamuha. Nakakwarantina na sa isang isolation unit o pasilidad

Si Patient No. 389 ay 40 taong gulang, may trabaho, mula sa barangay Cavite, walang history of travel at patuloy na inaalam kung kanino nya ito nakuha. Nakakwarantina na.

Si Patient No. 390 ay 44 taong gulang, police, mula sa barangay Cavite, walang history of travel at maaaring na expose sa mga nagpositibong detainee. Nakakwarantina na sa isang pasilidad.

Si Patient No. 391 ay 25 taong gulang mula sa barangay Lennec, walang history of travel at naexpose bilang close contact kay Pt No. 302. Nakakwarantina na.

Si Patient No. 392 ay 41 taong gulang na guro mula sa barangay Lennec, walang history of travel, walang exposure at inaalam pa kung saan nya ito nakuha. Admitted na sa isang ospital sa Cabanatuan.

Si Patient No. 393 ay 65 taong gulang market vendor mula sa barangay Sta Veronica, walang history of travel at exposure. Inaalam pa kung saan at kanino nya ito nakuha. Nakakwarantina na.

Si Patient No. 394 ay 61 taong gulang detainee mula sa barangay Saranay, maaaring naexpose sa kanyang mga kasamahan sa piitan. Nakakwarantina na sa isang pasilidad.

Nadeklarang recovered si Pt No. 284 ng barangay Subol.

Ipinagutos na ng ating Ama ng Bayan na isaayos na ang mga food packs para sa mga nakakwarantina, tutukang mabuti ang pag identify aa mga close contact at alamin kung saan nila ito nakuha.

Magingat po tayo. Huwag na sana tayong dumagdag pa sa nagpopositibo. Mag MASK, SHIELD, HUGAS, IWAS

COVID19 Update as of May 21, 2021 photo