Covid update araw araw: impormasyon at hindi dapat gamitin sa diskriminasyon.

Isang (+1) positive, isang (1) death at dalawang (2) recovered ang naitala natin sa araw na ito.

Si Patient No. 251 ay 47 taong gulang na kasambahay, mula sa barangay Caiingin tabing ilog, naexposed sa kanyang kabiyak Pt No. 196. Naka kwarantina sa isang pasilidad ang pasyente.

Sumakabilang buhay napo ang ating kababayang si Pt No. 230 ng Sta Veronica at naitala bilang 18th death sa ating bayan. Kami po ay nakikiramay sa pamilya.

Nadeklara ng recovered si Pt No.182 at Pt No. 181 ng barangay St John ayon sa DOH recovery and discharge criteria.

Manatili po tayong nagiingat.
MASK, SHIELD, HUGAS, IWAS upang sa sakit na covid 19 ay makaligtas.