Covid 19 news update:
Ulat mula sa MHO/RHU

Tatlo (+3) ang kumpirmadong positibo, isang (1) kababayan natin ang pumanaw at isa ang recovered.
Dalawamput walo (28) ang na swab antigen kung saan tatlo (+3) ang positibo at dalaeamput lima (-25) ang negatibo habang labing walo (18) naman ang na swab RT PCR.

Si Patient No. 347 ay 40 taong gulang na OFW at paalis na sana ang ating kababayan mula sa barangay Sta Veronica, nagtungo sa Bulacan at Manila, wala pang nadedetermina kung saan nya nakuha. Nakakwarantina sa isang pasilidad sa Maynila ang ating kababayan.

Si Patient No. 348 ay 61 taong gulang mula sa barangay Sinulatan, walang history of travel at exposure kung kayat inaalam ng husto ang lahat ng impormasyon. Nakakwarantina na

Si Patient No. 349 ay isang taong gulang mula sa barangay San Roque, agad na isinailalim sa kwarantina ang mga magulang at mga kasamahan sa bahay upang matukoy kung sino ang nakapagdala ng virus sa bata.

Pumanaw na ang ating kababayang si Pt No. 308 ng Barangay San Roque. Kami po ay nakikiramay.

Nadeklarang recovered na si Pt No. 256 ng barangay Sta Veronica ayon sa DOH recovery and discharge criteria.

Paulit ulit naming ipinararating sa ating mga kababayan na mag doble ingat. MASK, SHIELD, HUGAS, IWAS upang tayo ay manatiling ligtas.