Covid 19 update: impormasyon at hindi diskriminasyon

Ulat mula sa MHO RHU:
Tatlo (+3) ang nagpositibo
Dalawamput isa (21) na swab RT PCR
Dalawamput apat (24) na swab antigen at
Apat (+4) dito ang nag positive na agad namang isasailalim sa RT PCR.
Isa (1) ang recovered

Si Patient No. 319 ay 30 taong gulang na sundalo mula sa barangay Partida 1, pumapasok sa Fort Magsaysay, kasalukuyang inaalam pa kung saan nya ito nakuha. Nakakwarantina na ang ating kababayan

Si Patient No. 320 ay 69 taong gulang, mula sa barangay San Agustin, nagtungo sa isang ospital sa Tarlac kasama ang anak at hanggang sa kasalukuyan ay tinutukoy pa kung saan nya ito nakuha. Nakakwarantina na ang ating pasyente.

Si Patient No. 321 ay 32 taong gulang na sundalo mula sa barangay Bantug, nagtutungo/pumapasok sa Fort Magsaysay, inaalam pa kung kanino at saan sya na expose. Dinala na sa quarantine facility sa Manila ang ating kababayan.

Nadeklarang recovered na si Pt No. 239 ng barangay Subol ayon sa DOH Recovery and Discharge criiteria.

Ingat po parati mga kababayan.