Covid update: impormasyon at hindi diskriminasyon. Biktima sila at hindi salarin.

Ulat mula sa ating MHO/RHU:
Dalawa (+2) ang nagpositibo
Pito (-7) ang negatibo
Dalawa (2) ang pending
126 ang na swab Antigen at nag positibo ang dalawamput dalawang katao (22). Lima (5) dito ay nagmula sa palengke.
Isang (1) kababayan natin ang recovered.

Si Patient No. 313 ay 19 taong gulang estudyante mula sa barangay Sto Cristo. Walang history of travel at naging close contact ni Pt No. 250. Nakakwarantina na ang ating pasyente simula pa ng maging close contact ni Index Pt. 250.

Si Patient No. 314 ay 55 taong gulang market vendor mula sa barangay Sta Veronica, nagtungo sa Tarlac at kasalukuyang diniditermina kung saan nya ito nakuha. Admitted na sa isang ospital ang ating pasyente.

Nadeklarang recovered na si Pt No. 226 ng barangay Subol ayon sa DOH recovery and discharge criteria.

Nagsagawa na ng mass testing sa palengke at lima dito ang nagpositibo sa Swab Antigen. May mga tao pa din sa pamilihang bayan na patagong ibinababa ang kanilang mga face mask at inaallis ang face shield kapag wala na ang mga nagbabantay. Hinihintay nyo po ba na mapabilang kayo sa mga nagka covid? Hindi po magtatagal ang inyong paghihintay at kahit na kayo ay pasaway huwag po kayong mag alala at aalagaan pa din kayo ng munisipyo kapag kayo ay nabiktima na ng covid 19. Hindi naman po kami nagkulang sa paalala.