Covid 19 update: impormasyon at hindi diskriminasyon

Ulat mula sa ating MHO RHU
Sampu (+10) ang positibo RT PCR
Tatlo (-3) ang negative at tatlo (3) ang pending
Labindalawa (+12) ang positibo sa Swab Antigen
Habang dalawamput isa (-21) ang negative sa Swab Antigen
Tatlo (3) ang recovered

Si Patient No 303 ay 54 taong gulang mula sa barangay Cavite, walang history of travel at wala pang established exposure sapagkat patuloy na inaalam pa kung saan nya ito nakuha. Nakakwarantina na ang ating pasyente

Si Patient No. 304 ay 23 taong gulang mula sa barangay Cavite, walang history of travel at patuloy na inaalam kung saan nya ito nakuha. Nakakwarantina na ang ating pasyente.

Si Patient No. 305 ay 25 taong gulang mula sa barangay Cavite, walang history of travel at naging close contact ni Pt No. 264

Si Patient No. 306 ay 75 taong gulang mula sa barangay Manggang Marikit, walang history of travel at walang exposure kung kayat inaalam pa kung saan nya ito nakuha. Kasalukuyang admitted sa isang ospital sa ating bayan ang pasyente.

Si Patient No. 307 ay 20 taong gulang mula sa barangay Cawayan Bugtong, walang history of travel at naging close contact ni Pt No. 242. Nakakwarantina na ang pasyente simula ng ito ay maging close contact.

Si Patient No. 308 ay 74 taong gulang mula sa barangay San Roque, walang history of travel, naka admit sa isang pagamutan sa Cabanatuan at naging close contact ni Pt No. 300

Si Patient No. 309 ay 40 taong gulang mula sa barangay San Roque, nagtungo sa Talugtug at close contact ni Pt No. 300. Nakakwarantina na

Si Patient No. 310 ay 34 taong gulang na guro mula sa barangay Saranay, nagtungo sa Cabanatuan at wala pang determinasyon kung saan nya ito nakuha. Isinasagawa ang masusing imbestigasyon kung saan nya ito nakuha. Naka hospital quarantine ang ating pasyente

Si Patient No 311 ay 65 taong gulang mula sa barangay Cawayan Bugtong, walang history of travel naging close contact ni Pt No. 242. Nakakwarantina na

Si Patient No. 312 ay 50 taong gulang mula sa barangay Catimon, walang history of travel at sa kasawiang palad ay pumanaw na ang ating pasyente.

Ipinagutos ng ating Mayor na isaayos ang food packs ng lahat ng nakakwarantina, paigtingin ang contact tracing, paigtingin ang monitoring ng mga BHERTS sa mga naglalabas pasok sa ating bayan at gawin na sa lalong madaling panahon ang pag swab antigen sa mga vendors sa palengke.

Nadeklarang Recovered na sila
Pt No. 199 ng barangay Saranay
Pt No. 205 ng barangay Sto Cristo
Pt No. 220 ng barangay Maturanoc

Sumunod po tayo sa market schedule
Huwag munang lumabas ng inyong lugar kung hindi naman importante
Huwag munang pumunta sa labas ng Guimba kung hindi importante
Mag MASK, SHIELD, HUGAS, IWAS

INGAT PO MGA KABABAYAN.