Covid update: impormasyon at hindi diskriminasyon

Tatlo (+3) ang nagpositibo
11 ang na swab RT PCR
58 ang na swab Antigen

Si Patient No. 300 ay 74 taong gulang mula sa barangay San Roque, walang travel history at inaalam pa kung saan nya ito nakuha. Sa kasawiang palad ay yumao na ang ating pasyente.

Si Patient No. 301 ay 29 taong gulang, walang history of travel, inaalam pa kung saan nya ito nakuha, admitted na sa isang ospital sa Cabanatuan. Mulansa barangay San Roque

Si Patient No. 302 ay 25 taong gulang, factory worker, mula sa barangay Lennec, history of travel sa Pampanga at inaalam pa ang mga posibilidad kung saan nya ito nakuha. Nakakwarantina na ang ating pasyente.

Isinasaayos na ang kanilang food packs at iba pang gamit gayundin ang schedule ng disinfection ng kanilang mga lugar.

Ingat po taong lahat mga kababayan.
Sundin po natin ang minimum health standard na MASK, SHIELD, HUGAS, IWAS.
Matutunan din po nating sundin ang schedule ng ating pamamalengle kahit na walang barrier sapagkat kinakailangang pairalin ang disiplina sa panahong ito. Naglilibot napo ang ating mga pulis, task force, Army, barangay officials at CSIG force multiplier. Kinakailangan may market pass po kayo kapag na check ng mga nakatalagang umiikot na nagbabantay.

DISIPLINA MUNA kabayan
Malalampasan din natin ito kung tulong tulong at sama sama tayong lumalaban.

COVID19 Update as of May 10, 2021 Photo