Covid update: impormasyon at hindi diskriminasyon

Dalawa (+2) positibo po ang naireport ngayon
Labing tatlo (-13) ang negative at isang pending samantalang isa ang recovered

Si Patient No. 249 ay 44 taong gulang mula sa barangay Bunol. Isang caregiver, nagtungo sa Sto Domingo at nahawa sa isang positibong kaso sa labas ng ating bayan. Naka kwarantina na ang pasyente maging ang kanyang mga nakasalamuha.

Si Patient No. 250 ay 54 taong gulang mula sa barangay Sto Cristo, nagtungo sa Dagupan at Cabanatuan at naging close contact ni Pt No. 222. Nakakwarantina na ang ating pasyente maging ang kanyang mga nakasalamuha.

Si Pt No. 171 mula sa barangay San Roque ay naideklara ng recovered ayon sa DOH recovery and discharge criteria.

Patuloy po tayong magingat mga kababayan
Pinaaalalahan po namin ang mga magulang na huwag po ninyong hayaang lumalabas ng bahay ang inyong mga anak at kung lalabas naman ay dapat na naka face mask at face shield.

Ang mga dumarating sa ating bayan ay dapat na magreport sa BHERT ng barangay upang matulungan ninyo ang ating pamahalaang lokal. Sa mga sumasabay o sumasakay sa pampublikong sasakyan, mangyari po na todo ingat sapagkat hindi po ninyo alam kung ano ang kalagayan ng makakatabi ninyo.

Umiwas po muna tayo sa mga handaan at mga pagtitipon kung ayaw po natin na mabiktima ng Covid 19.