Covid update para nalalaman ng mamamayan ang mga pangyayari sa ating bayan. Impormasyon at hindi diskriminasyon.

Mayroon po tayong walong (+8) kumpirmadong kaso, labing walo (-18) ang negative at isang pending habang lima (5) ang recovered.

Si Patient No. 241 ay 62 taong gulang mula wa barangay Bunol may history of travel sa Sto Domingo at na exposed sa isang covid positive sa labas ng ating bayan. Nakakwarantina na ang ating pasyente maging ang mga nakasalamuha nito.

Si Patient No. 242 ay 82 taong gulang mula sa barangay Cawayan Bugtong, walang history of travel at exposure. Sumakabilang buhay na ang ating pasyente sa isang pagamutan sa ating bayan (covid death 16th), habang tinutukoy pa kung saan nya ito nakuha. Rest in Peace Kabayan. Nakikiramay kami sa pamilya.

Si Patient No. 243 ay 39 taong gulang mula sa barangay Sta Ana, walang history of travel at naging close contact ni Pt No. 193. Nakakwarantina na ang ating pasyente sa isang BIU simula ng maging close contact ni Pt No. 193. Inaalam hanggang sa kasalukuyan kung saan nya ito nakuha.

Si Patient No. 244 ay 64 taong gulang mula sa barangay Sta Veronica, walang history of travel at walang exposure. Inaalam pa ng mga tracers ang kanyang mga nakasalamuha at kung saan nya ito nakuha.

Si Patient No. 245 ay 40 taong gulang mula sa barangay Pasong Inchik, nagtatrabaho sa isang bangko sa Quezon City at na exposed sa isang covid positive.

Si Patient No. 246 ay 59 taong gulang mula sa barangay Sta Lucia, walang history of travel at wala pang nadedetermina kung saan nya ito nakuha. Naka kwarantina na maging ang kanyang mga nakasalamuha.

Si Patient No. 247 ay 34 taong gulang mula sa barangay Sto Cristo, walang history of travel at exposure. Kasaluluyang dinidetermina pa kung saan nya ito nakuha.

Si Patient No. 248 ay 24 taong gulang mula sa barangay Sto Cristo, nagtungo ng Manila. Inaalam pa ang lahat ng kanyang naging close contact.

Ipinagutos napo ng ating Mayor ang malalimang contact tracing at pagbibigay ng pagkain at gamit para sa mga naka kwarantina.

Binawian napo ng buhay ang ating pasyenteng si Pt No. 210 (covid death 17th) kami ay nakikiramay sa kanyang naiwang pamilya. Rest in Peace kabayan.

Lima ang nadeklarang recovered
Pt No. 168 ng barangay Pacac
Pt No. 178 ng barangay Pacac
PT No.179 ng barangay Pacac
Pt No 154 ng barangay Pacac
Pt. No. 175 ng barangay marikit
Ayon sa DOH recovery and discharge criteria.

Lubhang nakababahala ang mga nagsusulputang kaso ng Covid sa ating bayan sapagkat may mga nabibiktima na hindi lumalabas ng ating bayan. Bahay, palengke, grocery at botika lamang ang kanilang pinupuntahan. Ating pinaaalalahanan ang lahat na magsuot ng face mask at face shield para sa inyong kaligtasan maging ng inyong pamilyang inuuwian.

Kung gusto mong makaligtas
Sumunod ka sa ipinaguutos kabayan