Covid 19 update: impormasyon at hindi diskriminasyon

May apat (+4) po tayong positibong kaso
Bente kwatro (-24) ang negatibo
Bente uno (21) ang na swab sa araw na ito
Tatlo (3) ang recovered

Si Patient No. 224 ay 51 taong gulang mula sa barangay Sta Veronica, may history of travel sa Tarlac, walang exposure at patuloy na inaalam kung saan nya ito nakuha. Naka kwarantina na ang ating pasyente at inilagay na sa kwarantina ang kanyang mga nakasalamuha.

Si Patient No. 225 ay 42 taong gulang, mula sa barangay Sta Veronica at close contact ni Pt. 212. Nakakwarantina na simula pa ng maging close contact ng isang index patient.

Si Patient No. 226 ay 36 taong gulang magsasaka mula sa Barangay Subol, nakakwarantina na sa isang pasilidad (BIU) simula ng maging close contact ni Pt. No. 202

Si Patient No. 227 ay 47 taong gulang mula sa barangay San Roque, nagtatrabaho sa Tarlac City, nakakwarantina na at nakikipagugnayan na ang ating RHU MHO sa Tarlac CHO upang matukoy kung saan nya ito nakuha.

Ipinagutos na ng ating Mayor na maiayos ang kanilang mga pagkain, bigas, tubig, gamit at kung kailangan ng mga gamot at bitamina.

Makikita sa bilang ng mga na swab at bilang ng resulta kung gaano kadami ang ating ikinakwarantina sa araw araw at lahat ng mga ito ay may pamilyang ating hinahatiran ng pagkain at gamit. Nakaalalay din tayo kung kinakailangan nilang madala sa pagamutan at munisipyo ang nagsasagawa ng kanilang libreng swab bilang dagdag na tulong ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon.

Welcome back mga kababayan
Pt No. 167 ng barangay Bantug
Pt No. 173 ng barangay San Roque
Pt No. 143 ng barangay Sto Cristo
Nadeklarang recovered na ayon sa DOH recovery and discharge criteria.

Ugaliing mag MASK, SHIELD, HUGAS, IWAS dahil may pamilya kang uuwian kabayan.

COVID19 Update as of April 28, 2021 photo