Covid update: impormasyon at hindi diskriminasyon

Limang (+5) kababayan natin ang nagpositibo sa RT PCR, zero (-0) ang negative sapagkat pending pa ang resulta, bente sais (26) ang na swab at dalawang (2) recovered

Si Patient No. 219 ay 59 taong gulang mula sa barangay Sta Ana, walang history of travel at close contact ni Pt No. 192. Naka kwarantina na matapos masama bilang close contact

Si Patient No. 220 ay 28 taong gulang mula sa barangay Maturanoc, nagtatrabaho at nakaduty sa isang bangko sa Cabanatuan at tukoy na kung kanino sya na exposed. Naka kwarantina na ang ating pasyente at ipinaloob na sa kwarantina ang mga naging close contact nya.

Si Patient No. 221 ay 9 taong gulang mula sa Sta Veronica, walang history of travel at maaaring nakuha nya ang sakit sa kanyang kasama sa bahay na si Pt No. 222. Naka kwarantina na ang ating pasyente.

Si Patient No. 222 ay 42 taong gulang, vendor sa palengke, mula sa barangay Sta Veronica, may travel history sa Dagupan at Rosales Pangasinan. Naka kwarantina na ang ating pasyente.

Si Patient No. 223 ay 52 taong gulang isang negosyante, mula sa barangay Sta Veronica, walang history of travel at maaaring close contact ni Pt No. 222. Naka kwarantina na ang ating pasyente.

Nadeklarang recovered na sila:
Pt No. 166 ng barangay Sinulatan
Pt No. 146 ng barangay Caingin Tabing Ilog
Ayon sa DOH recovery and discharge criteria.

Ipinagutos na ng ating Ama ng Bayan na asikasuhin ang pagpapadala ng kanilang pagkain, gamot, bitamina, tubig, bigas at iba pang pangangailangan. Kanya ding inutos na imapa na ang mga kaso at tignan ang posibilidad ng pagpapaloob sa proteksyon ng kwarantina (bubble areas) ang mga lugar na may mataas na bilang ng kaso.

Mariing pagiingat ang nais na ipaabot ng pamahalaang lokal sa ating mga kababayan sapagkat patuloy na tumataas ang bilang ng ating aktibong kaso.

Ipanalangin po natin ang kaligtasan at agarang paggaling ng mga biktima ng Covid 19.