Covid update: layuning magbigay ng impormasyon at huwag naman sanang gamiting kasangkapan sa diskriminasyon

Apat (+4) na kumpirmadong kaso,
Walang resultang inilabas ang molecular lab,
Walang na swab sa araw na ito
At isang kababayan natin ang nasawi.

Si Patient No. 215 ay 36 taong gulang na OFW mula sa barangay Pacac, may history of travel sa Manila at Pampanga na maaaring nakuha nya ang sakit. Nakikipagugnayan na ang ating RHU sa mga lugar na naidentify sa labing apat na araw na pagbabalik tanaw sa kanyang mgan pinuntahan. Tinitrace kung mayroon tayong makukuhang impormasyong makatutulong sa ating contact tracing. Naka kwarantina na ang ating biktima sampu ng kanyang mga naging close contact na naitala.

Si Patient No. 216 ay 60 taong gulang na maybahay mula sa barangay San Agustin, may history of travel sa Tarlac at Cuyapo, walang matukoy kung saan at kanino nya ito nakuha kung kayat pinapalawak ang contact tracing. Nakakwarantina na ang ating pasyente kasama na ang mga nakalap na close contact sa kasalukuyan.

Si Patient No. 217 ay 61 taong gulang na magsasaka mula sa barangay Bacayao, may history of travel sa isang pagamutan sa Cabanatuan, wala pang nakuhang impormasyon kung saan sya na exposed at ipinagpapatuloy pa ang contact tracing. Admitted na sa isang ospital sa Cabanatuan ang ating pasyente.

Si Patient No. 218 ay 48 taong gulang na kawani ng LGU mula sa barangay Sta Veronica, walang history of travel at wala pang na identify na exposure kung kayat pinapalalim na ang isinasagawang contact tracing. Nakakwarantina na ang pasyente.

Nasawi kaninang umaga si Pt No. 190 ng barangay Consuelo habang nasa pagamutan sa Cabanatuan. Si Patient No. 196 ng barangay Caiingin Tabing Ilog naman ay iniuwi na mula sa isang ospital sa Tarlac at idiniretso ng RHU sa isang isolation unit o BIU.

Isinaayos na ang pagpapadala ng pagkain sa lahat ng nakakwarantina at hinihintay na lamang ng ating Mayor ang mga report ng bawat RHU para sa araw na ito.

Ingat po mga kababayan
Patuloy na nagsusulputan ang mga kaso ng Covid sa ating bayan at nagpatawag ng muli ng emergency meeting ang ating mayor bukas upang pagusapan ang sitwasyon..

MASK, SHIELD, HUGAS, IWAS yan ang ating pangunahing panlaban sa covid. Marapat lamang na ating ugaliin at sundin upang makapagingat sa sakit na hindi nakikita.

Ipagdasal natin ang agarang paggaling ng mga pasyente at kaligtasan ng ating mga kababayan.