Covid 19 update: impormasyon at hindi dapat gamitin sa diskriminasyon.

Pitong (+7) positibo ang naitala ngayon at dalawa (2) dito ay nasawi at inilibing/cremated na, labing apat (-14) ang nag negatibo ang resulta, isa ang nasawing Covid suspect (nailibing na) at isang naswab sa pribado.

Si Patient No. 208 ay 28 taong gulang mualsa barangay San Roque, nagtatrabaho sa DHL Binan Laguna, wala pang makita naging exposure sa ating bayan kung kayat malalimang contact tracing ang isinasagawa. Naka kwarantina na ang ating pasyente.

Si Patient No. 209 ay 43 taong gulang mula sa barangay Banitan, walang history of travel, kumukuha ng paninda sa palengke gawing bagsakan at inilalako sa Banitan. Inuugat pa kung saan nya ito nakuha sa pamamagitan ng pagtugaygay kung saan sya nagtutungo at mga nakakausap. Naka admit sa isang ospital sa ating bayan ang pasyente.

Si Patient No. 210 ay 57 taong gulang mula sa barangay Sta Veronica, walang history of travel at wala pang established exposure kung kayat dire diretso ang isinasagawang contact tracing. Naka admit sa isang ospital sa ating bayan.

Si Patient No 211 ay 55 taong gulang mula sa barangay Sta Veronica, walang history of travel, close contact ni Pt No. 187 at naka kwarantina na simula ng maging close contact ni Pt No. 187

Si Patient No. 212 ay 53 taong gulang mula sa barangay Sta Veronica, kasalukuyang isinasagawa ang contact tracing habang naka kwarantina na ang ating pasyente.

Si Patient No. 213 ay 73 taong gulang mula sa barangay Maturanoc nasawi bilang Covid death No. 13th, walang history of travel at wala ding exposure kung kayat isinailalim na sa malalimang pagdetermina kung saan at kanino nya itilo nakuha. Nailibing na ang ating biktima ng covid habang naka kwarantina na ang lahat ng close contact.

Si Patient No. 214 ay 73 taong gulang mula sa barangay Partida 1, nasawi bilang Covid death No. 14th, walang history of travel at exposure kung kayat isinailalim na sa malalimang contact tracing upang malaman kung saan nya ito nakuha.

Agad na ipinaayos ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ang mga pagkain, tubig, bitamina, gamot at iba pang pangangailangan ng mga naka kwarantina gayundin ang pag schedule ng disinfection sa kanilang mga lugar at pook kung saan sila nagpunta

Ingat po mga kababayan at sumusulpot nalang bigla ang mga nagpopositibo.
Ugaliing mag MASK, mag FACE SHIELD, distansya (IWAS) at pagsanitize ng mga kamay (HUGAS).