Covid update
Report mula sa ating MHO RHU bantay covid team

Mayroon tayong siyam (+9) na positibo, walo (-8) ang nag negative ang resulta, pito (7) ang naswab sa araw na ito at 8 ang recovered.

Si Patient No. 199 ay 21 taong gulang mula sa barangay Saranay, walang history of travel at close contact ni Pt No. 169. Naka kwarantina na simula ng maging close contact ni Pt No. 169

Si Patient No. 200 ay 33 taong gulang, salesman, mula sa barangay Bantug, may history of travel sa Pangasinan, La Union at Ilocos, kasalukuyang nakakwarantina at nagsasagawa ng malalimang contact tracing upang malaman kung saan nya ito nakuha.

Si Patient No. 201 ay 52 taong gulang mula sa barangay San Roque, nagtungo sa isang ospital sa Cabanatuan, kasaluluyang nakakwarantina at inaalam pa kung saan nya ito nakuha.

Si Patient No. 202 ay 38 taong gulang mula sa barangay Subol, may history of travel sa Tarlac, Sta Cruz at Ilocos, admitted na sa ospital at wala pang makuhang lead kung saan nya ito nakuha.

Si Patient No. 203 ay 27 taong gulang mula sa barangay Casongsong, nagtungo sa isang klinika sa San Jose, close contact ni Pt No. 188 at nakakwarantina na.

Si Patient No. 204 ay 29 taong gulang, magsasaka, mula sa barangay Casongsong, nagtungo sa isang klinika sa San Jose kasama si Pt No. 188 Pt No. 203. Naka kwarantina na kasama sila Pt. 188 and 203

Si Patient No. 205 ay 60 taong gulang, market vendor, mula sa barangay Sto Cristo, walang history of travel at wala ding exposure kung kayat malalimang contact tracing ang isinasagawa.

Si Patient No. 206 ay 16 taong gulang, estudyante, mula sa barangay St John, walang history of travel, close contact ni Pt No. 195 at naka kwarantin na.

Si Patient No. 207 ay 54 taong gulang mula sa barangay St John, walang history of travel at naging close contact ni Pt No. 195. Nakakwarantina na ang ating pasyente.

Nakabalik na Sila:
Pt No. 142. Barangay San Roque
Pt No. 138 Barangay San Roque
Pt No. 139 Barangay San Roque
Pt No. 150 Barangay Maybubon
Pt No. 151 Barangay Maybubon
Pt No. 147 Barangay Sta Veronica
Pt No. 148 Barangay Sta Veronica
Pt No. 149 Barangay Sta Veronica
Ay nadeklarang recovered base sa DOH recovery and discharge criteria.

Ipinagutos na ng ating Mayor na magsagawa ng mga malalimang tracing upang madetermina kung saan nila ito nakuha at sino sino ang close contact na ikwakwarantina. Ipinaayos na din ang kanilang pagkain, gamot, bitamina at disinfection sa kanilang mga lugar.

Aming hinihiling ang kooperasyon ng lahat sa pagbibigay ng tamang impormasyon na aming magagamit upang mapigilan ang pagkalat ng sakit at maisalba ang iba pang buhay

COVID19 Update as of April 23, 2021 photo