Covid update: layunin nito na magbigay ng impormasyon at hindi dapat na magamit sa diskriminasyon.

May tatlo (+3) tayong nagpositibo ang resulta ng RT PCR test, labing isa (-11) nag negatibo dalawa (2) ang pending result, labing tatlo (13) ang recovered at labing anim (16) ang naswab sa araw na ito.

Si Patient No. 196 ay 44 taong gulang, mula sa barangay Caingin Tabing Ilog, nagtatrabaho sa Victoria Tarlac, walang exposure at nakikipagugnayan ang ating RHU sa RHU ng Victoria upang maipagbigay alam na sa bayan nila nanggaling ang ating pasyente. Admitted na sya sa isang ospital sa Tarlac

Si Patient No. 197 ay 20 taong gulang mula sa barangay Lennec, walang history of travel, close contact ni Pt No. 185 at Pt No. 186 at naka kwarantina na simula pa ng maging close contact ng ating dalawang pasyente.

Si Patient No. 198 ay 85 taong gulang, mula sa barangay Cavite, walang history of travel at inaalam pa kung saan nya ito nakuha. Malalimang contact tracing ang isinasagawa para dito. Naka kwarantina na ang ating pasyente.

May labing tatlo (13) tayong deklaradong recovered na ayon sa DOH recovery and discharge criteria:
Pt No. 132 ng barangay Pacac
Pt No. 123 ng barangay Pacac
Pt No. 125 ng barangay Pacac
Pt No. 141 ng barangay Pacac
Pt No. 124 ng barangay Pacac
Pt No. 135 ng barangay Pacac
Pt No. 133 ng barangay Pacac
Pt No. 134 ng barangay Pacac
Pt No. 136 ng barangay Pacac
Pt No. 144 ng barangay Sto Cristo
Pt No. 145 ng barangay Sto Cristo
Pt No. 114 ng barangay St John
Pt No. 116 ng barangay St John

Ipinagutos na ng ating Mayor na asikasuhin ang tulong na maaaring maibigay sa mga biktima, bantayan na huwag silang madiskrimina sampu ng kanilang mga kaanak, alalayan sila sa kanilang kalagayan at madisinfect agad ang kanilang mga lugar.

Sa ating mabilis na aksyon ay nalilimita natin ang exposure sa mga close contact lamang katulad ng pamilya sapagkat kasama na nila ang mga ito bago pa man sila ma detect na positibo. Naihihiwalay din natin agad ang mga negatibo sa positibo sapagkat mabilis ang ating isinasagawang swab testing at pagkuha ng resulta kung saan nalalaman natin agad ang mga positibong close contact at naihihiwalay natin agad sila upang hindi na kumalat pa ang virus.

Kahit na gaano tayo kabilis at kaingat ay mayroon at mayroon pa ding mga kababayan natin na nagpopositibo sapagkat nakukuha nila ito sa ibang bayan at naiuuwi nila ito dito sa atin sa Guimba. Marami ding kaso na dumalo sa isang pagtitipon tulad ng handaan, lamay, binyag, kasal, birthday at naiuwi nila ito sa kanilang pamilya kung kayat lumolobo ang bilang ng ating positibong kaso. May mga kasong nakuha naman nila sa kanilang kasamahan sa trabaho.

Mulit muli ay aming pinapaalalahanan ang lahat na pls magingat po tayo sa lahat ng pagkakataon at panahon. Hindi natin alam ang positibo, kaanak o kaibigan man lalo na kung dayo. Iwasan munang dumalo sa mga okasyon at ugaliing magreport sa BHERT kapag dumating sa inyong barangay kahit na saglit lang umalis at nagtungo sa ibang bayan o okasyong dinaluhan. Ang pagrereport ay nakakatulong sa pamahalaan upang mas mabilis nating napipigilan ang pagdami ng kaso sa ating bayan.

COVID19 as of April 22, 2021 photo