Update (Covid 19): para araw araw alam ng lahat ang kaganapan

Report mula sa ating MHO RHU bantay covid team

Isang kababayan natin ang naitalang positibo sa Covid, naka kwarantina naman ang opisina ng PAO at Post office matapos magpositibo ang ilang empleyado na nakatira sa ibang bayan kung kayat hindi napabilang sa Guimba. Labing apat (14) ang na swab sa araw na ito habang wala namang naitalang recovered.

Si Patient No. 195 ay 43 taong gulang mula sa barangay St John, guro, hindi pa nadedetermina ang kanyang exposure at history of travel kasalukuyang isinasagawa ang contact tracing upang makwarantina na ang lahat ng kanyang nakasalamuha. Nakakwarantina na ang ating pasyente.

Mulit muling apela ng lokal na pamahalaan sa ating mga kababayan na umiwas muna sa matataong lugar gaya ng pagtitipon sapagkat dito mabilis na naipapasa ang virus. Hindi natin alam ang mga pinuntahan ng kahalubilo natin at lalong hindi natin alam kung sino sino ang kanilang nakasalamuha bago kayo nagkasama sa isang pagtitipon. Mahirap magsisi sa bandang huli.

Mag MASK, SHIELD, HUGAS at IWAS
Ito na lamang ang tanging pananggalang natin sa Covid na hindi nakikita

LABAN mga kababayan
IWAS mga kababayan
Para sa ating pamilya at bayan
#GuimbaKongMahal