Covid 19 update mula sa ating MHO RHU bantay covid team

Tatlo (+3) ang nagpositibo, labing isa (11) ang na swab, dalawa (2) ang recovered at ang isang admitted ay natransfer na sa BIU.

Si Patient No. 192 ay 27 taong gulang mula sa barangay Sta Ana, walang history of travel ayon sa pasyente subalit patuloy na sinasaliksik ng contact tracing team. Kasalukuyang nasa pagamutan sa Cabanatuan ang ating pasyente.

Si Patient No. 193 ay 66 taong gulang, mula sa barangay Sta Ana, dinala sa isang pagamutan sa Paniqui Tarlac petsang Abril 9, nagpositibo ang kanyang RT PCR petsang Abril 16 at naidiretso na sa quarantine facility (BIU) matapos ma discharge sa ospital.

Si Patient No. 194 ay 67 taong gulang mula sa barangay Bacayao, walang history of travel, kinuha ng kaanak matapos magpositibo sa antigen at dinala sa maynila, duon na swab, naka kwarantina na sa Maynila. Inaalam pa ng ating team kung saan nya ito nakuha.

Dalawang kababayan natin ang nadeklarang recovered:
Pt No. 130 ng barangay San Miguel
Pt No. 140 ng barangay Balingog West
Ayon sa DOH recovery and discharge criteria.

Nakatutok na ang ating team upang alamin kung saan nakuha ng mga biktima ng covid ang sakit at ipinagutos na ng ating Mayor Boyong Boyong Dizon na maisaayos ang pagkain at gamit ng mga naka kwarantina kasabay ang pagdidisinfect ng mga lugar na maaaring napuntahan nila. Kanyang binigyan ng pansin ang hindi pagsasabi ng tapat na napagalamang sumama sa isang aktibidad tulad ng ekskarsyon. Napakahalaga ng mga impormasyong dapat na isinisiwalat ng mga index patient para masawata natin ang pagkalat ng sakit at mailigtas natin sa covid ang kanilang mga kaanak.

Ibayong pagiingat po mga kababayan at iwasan muna sana na dumalo sa mga pagtitipon sapagkat hindi natin nalalaman kung sino ang positibo kapag nahalo na ang mga dayuhan sa lokal. Makakapag ingat ang lahat kung matututunan nating gamitin ng tama ang face MASK face SHIELD, HUGAS ng kamay at IWAS na madikit sa kasama.

Magkaisa po sana tayong labanan ang Covid 19 para sa ating bayan
#GuimbaKongMahal

COVID19 Update as of April 19, 2021 photo