Covid 19 update mula sa ating MHO-RHU bantay covid.

May isa (+1) po tayong nagpositibo, walang na swab, walang recovered sa araw na ito at isang kababayan natin ang napauwi mula sa Ilocos Norte habang nagde deliver matapos na magpositibo sa Swab Antigen.

Si Patient No. 191 ay 53 taong gulang mula sa barangay Bunol, nagtatrabaho sa bangko, may history of travel sa Tarlac at na expose sa isang covid positive na nakatira sa ibang bayan. Agad na isinagawa ang contact tracing upang makwarantina ang mga naging close contact nya. Kasalukuyan ng nakakwarantina ang ating kababayang biktima ng sakit na hindi nakikita. Isinama na sa schedule ng disinfection ang kanyang tahanan at mga lugar na napuntahan.

Ingat po ang lahat.
Mag MASK
Mag SHIELD
Mag HUGAS
UMIWAS