Covid update mula sa ating MHO RHU bantay covid team

Mayroon po tayong anim (+6) na kaso ng covid ngayong araw, isang (1) Covid suspect ang nasawi at dalawang recovered.

Si Patient No. 185 ay 84 taong gulang, mula sa barangay Cawayan Bugtong, may history of travel sa Cabanatuan at kasalukuyan ng Admitted sa isang ospital sa Maynila matapos na madala ng ating Ambulansya kamakailan lamang. Patuloy na inaalam kung saan nakuha ng biktima ang sakit

Si Patient No. 186 ay 84 taong gulang, mula sa barangay Cawayan Bugtong, may history of travel sa Cabanatuan at kasama ni Pt No. 185 na dinala ng ating team sa isang ospital sa Maynila at patuloy na inaalam kung saan nya nakuha ang sakit.

Si Patient No. 187 ay 47 taong gulang, mula sa barangay Sta Veronica, may trabaho, walang history of travel at naging bantay o close contact ni Pt No. 177. Inaalam na ang lahat ng kanyang naging close contact at kasalukuyan ng nakakwarantina sa isang ospital sa ating bayan.

Si Patient No. 188 ay 2 taong gulang, mula sa barangay Casongsong, may history of travel sa isang klinika sa syudad ng San Jose, inaalam pa sa kasalukuyan kung saan nya ito nakuha at admitted na sa isang ospital sa ating bayan.

Si Patient No. 189 ay 26 taong gulang, mula sa barangay Manacsac, may history of travel sa Talavera, kasalukuyang inaalam pa ang ibang detalye at kung saan nya ito nakuha. Naka kwarantina na ang ating pasyente sa BIU.

Si Patient No. 190 ay 69 taong gulang, magbubukid mula sa barangay Consuelo, walang history of travel at kasalukuyang inaalam kung saan nya ito nakuha. Kasalukuyan na itong nakakwarantina.

Ipinagutos na ng ating Mayor na maiayos na ang pagkain at gamit ng mga bagong biktima, alamin ang lahat ng close contact upang maikwarantina at mailagay agad sa schedule ng disinfection.

Nadeklarang recovered na sina
Pt No. 127 ng barangay San Miguel
Pt No. 129 ng barangay San Miguel
Ayon sa DOH recovery and discharge criteria.

Ingat po tayong lahat mga kababayan.
Tandaan: MASK, SHIELD, HUGAS at IWAS.