Para nalalaman ng mamamayan ang kaganapan sa ating bayan

Dalawang (+2) kaso ng covid ang naitala ngayong araw.

Si Patient No. 183 ay 42 taong gulang, kasambahay, mula sa barangay Bacayao, walang history of travel, close contact ng kanyang amo na si Pt No. 143. Kasalukuyan ng naka kwarantina simula pa ng maging close contact ni Pt No. 143.

Si Patient No. 184 ay 48 taong gulang mula sa barangay Lennec, may travel history sa premiere Cabanatuan, close contact ni Pt No. 169 at kasalukuyan ng naka kwarantina simula ng maging close contact ni Pt No. 169.

Ipinaayos na ng ating Mayor ang mga pagkain, tubig at iba pang kailangan ng mga nailagay sa kwarantina. Nakakasa na din ang schedule ng disinfection.

Habang ang pamahalaang lokal ay patuloy na lumalaban sa kalabang hindi nakikita at inilalaban ang kapakanan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpigil sa sakit upang hindi na kumalat at dumami pa ang mahawa, patagong naglipana ang mga taong walang takot sa nakamamatay na sakit at walang respeto sa umiiral na mga patakaran. Patago silang sumusuway sa kautusang makakapagsalba ng buhay. Harinawa na hindi po dumapo sa inyo ang Covid sapagkat wala po kayong pananggalang sa sakit kayat kami ay nagsusumamo para sa inyong kaligtasan.

Hamon namin sa mamamayan na ipagtanggol ang karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pamahalaan. Sawayin nyo ang mga pasaway at isuplong sa mga pulis kung ayaw sumunod sa patakaran.

Ingat po mga kababayan.
Iisa lamang ang ating buhay.

COVID29 Update as of April 16, 2021 photo