Covid 19 update mula sa ating MHO bantay covid

Labing dalawa (+12) ang naitala sa araw na ito,
Labing dalawa (12) ang na swab at dalawa (2) ang recovered

Si Patient No. 171 ay 23 taong gulang mula sa barangay San Roque at kasalukuyang nanunuluyan sa barangay Sto Cristo, walang hanapbuhay, walang history of travel at naging close contact ni Pt No. 138. Kasalukuyan syang naka kwarantina sa bahay at minomonitor ng mga BHW at RHU.

Si Patient No. 172 ay 14 na taong gulang, eatudyante, mula sa barangay San Roque at kasalukuyang nakakwarantina sa barangay Cawayang Bugtong, walang history of travel at naging close contact ni Pt No. 160.

Si Patient No. 173 ay 29 taong gulang, walang trabaho, mula sa barangay San Roque, close contact ni Pt No. 142. Nakakwarantina na ang ating pasyente

Si Patient No. 174 ay 34 taong gulang, may trabaho, mula sa barangay San Roque, may history of travel sa Cabanatuan at Tarlac, close contact ni Pt No. 137 at kasalukuyang nakakwarantina simula pa ng Abril 5

Si Patient No. 175 ay 18 taong gulang, walang trabaho, mula sa barangay Mangang Marikit, walang history of travel, close contact ni Pt No. 154 at kasalukuyang naka kwarantina.

Si Patient No. 176 ay 35 taong gulang, nagtatrabaho sa Antipolo City, mula sa barangay Caingin Tabing Ilog, Close contact ng isang positibo sa Covid na tukoy na at mula sa labas ng ating bayan petsang Marso 31. Kasalukuyang naka kwarantina na ang ating pasyente.

Si Patient No. 177 ay 50 taong gulang, guro, mula sa barangay Sta Veronica, walang history of travel at inaalam pa kung saan nya nakuha ang sakit na ito. Sya ay kasalukuyang naka admit sa isang ospital sa ating bayan. Malalimang contact tracing ang isinasagawa sapagkat hindi pa nadedetermina kung saan nya ito nakuha.

Si Patient No. 178 ay 11 taong gulang, walang history of travel, mula sa barangay Pacac, close contact ni Pt No. 154. Kasalukuyang naka kwarantina.

Si Patient No. 179 ay 9 na taong gulang mula sa barangay Pacac, walang history of travel, close contact ni Pt No. 154 at kasalukuyang nakakwarantina na.

Si Patient No. 180 ay 36 taong gulang, maybahay, mula sa barangay San Roque, may history of travel sa Cabanatuan at Tarlac, close contact ni Pt No. 137 at kasalukuyan ng nakakwarantina.

Si Patient No. 181 ay 21 taong gulang, estudyante, mula wa barangay St John, close contact ni Pt No. 163 at kasalukuyan ng naka kwarantina.

Si Patient No. 182 ay 53 taong gulang, may trabaho, mula sa barangay St John, may history of travel sa Pangasinan at Dagupan, close contact ni Pt No. 164 at 163. Kasalukuyang naka kwarantina.

Agad na ikinasa ang schedule ng disinfection upang madekontamina na ang mga lugar at ipinagutos na ng ating Mayor na matutukan ng husto ang pag identify ng mga close contact at pagkwarantina sa mga ito upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. Hanggang sa oras na ito ay patuloy ang pagaalam at pagiimbestiga. Ipinapaayos na din ng ating Ama ng Bayan ang pagkain at iba pang pangangailangan ng mga naka kwarantina.

Mulit muli ang pamahalaang lokal ay nakikiusap sa lahat na makipagkoopera sa mga contact tracers at RHU personnel para na din sa ating kaligtasan at kapakanan ng ating mga mahal sa buhay at kaibigan.

Nadeklara ng recovered sina
Pt No. 126 ng barangay Manacsac
Pt No. 152 ng barangay Cavite
Ayon sa DOH recovery and discharge criteria

Pinagiingat po ang lahat
Magsuot ng face mask at face shield bilang pananggalang sa virus.
Dumistansya ng isang metro sa ating kapwa maging ang ating mga kaibigan.
Magsanitize ng kamay sa tuwing may hahawakang bagay.

COVID19 Update as of April 15, 2021 photo