Covid 19 update para nalalaman ng taumbayan ang kaganapan sa ating bayan.

Mula po sa report ng MHO bantay covid, tatlong (+3) kababayan natin ang nagpositibo sa Covid 19, tatlo (3) din ang recovered at may 19 na swabbed sa araw na ito at 22 ang negative sa mga pending na resulta.

Si Patient No. 168 ay 51 taong gulang mula sa barangay Pacac, walang history of travel at close contact ni Pt No. 142. Sya ay naka kwarantina na simula ng magpositibo si Pt No. 142.

Si Patient No. 169 ay 18 taong gulang, mula sa barangay Saranay isang estudyante, may history of travel sa bayan ng Cuyapo at close contact ni Pt No. 165 na kanyang kaibigan. Kasalukuyang syang naka kwarantina.

Si Patient No 170 ay 50 taong gulang mula sa barangay Saranay, isang negosyante, walang history of travel at close contact ni Pt No. 169 na kanyang anak na naging close contact naman ni Pt No. 165 na kaibigan ng kanyang anak. Naka kwarantina na ang ating pasyente.

Ipinagutos na ng ating Mayor na madaliin ang pag determina sa mga close contact at ipaloob sila sa kwarantina, bigyan ng pagkain at iba pang pangangailangan at libreng swabbing ng munisipyo. Nag schedule na din ng disinfection upang mapigilan ang kontaminasyon ng mga lugar.

Nakabalik na sila
Pt No. 120 ng barangay Manacsac
Pt No. 121 ng barangay San Roque
Pt No. 122 ng barangay Maybubon
Matapos na madeklarang recovered ayon sa DOH recovery and discharge criteria.

Obserbasyon natin sa ating mga kaso na ang pagkakatawid ng virus mula sa isang pasyente tungo sa isa o mahigit pang panibagong pasyente ay dahil sa sila ay magkakamag anak, magkatrabaho at magkakaibigan. Naroon ang ating closeness sa isat isa at dito lumalaganap ang pagtawid tawid (spread) ng covid. Sa panahon ng pandemya kailangang pairalin muna natin ang simpleng pansariling protocol katulad ng pagiingat (pagsuot ng face mask, face shield, pag iwas sa mataong lugar o mga pagdiriwang) kapag lalabas ng bahay at pag a isolate muna sa sarili kung kadarating lamang sa bahay at nagmula sa ibang lugar. Pakiramdaman muna ang inyong sarili sa loob ng 3 hanggang 5 araw bago humalubilo sa mga mahal sa buhay. Sakripisyong maaaring makapagligtas ng iyong mga kasama sa bahay natulungan mo pa ang iyong komunidad at pamahalaan. Mahirap gawin? Mas mahirap kapag kayo ay nabiktima na ng covid 19.

Magtulungan po tayo.
Sama sama nating labanan ang virus na sumisira sa ating buhay at pamayanan.

#GuimbaKongMahal