Covid 19 update mula sa ating MHO bantay kalusugan bantay covid

Tatlo (+3) ang naitalang nagpositibo sa araw na ito
24 ang na swab

Si Patient No. 165 ay 60 taong gulang, mula sa barangay Bunol, nagpa check up sa isang ospital sa Cabanatuan, nagsimulang makaramdam ng sakit at nagpa admit sa isang ospital dito sa ating bayan kung saan sya ay na swab at nagpositibo ang resulta. Kasalukuyan syang naka admit ngayon sa isang ospital sa Cabanatuan.

Si Patient No. 166 ay 20 taong gulang mula sa barangay Sinulatan, security guard sa isang simbahan sa labas ng ating bayan. sya ay na exposed sa isang covid positive na tukoy na ang pagkakakilanlan. Kasalukuyang nasa pangangalaga (kwarantina) ng isang simbahan sa bayan ng Talavera

Si Patient No. 167 ay 23 taong gulang mula sa barangay Bantug, empleyado ng isang bangko sa Bayan ng Talugtug, close contact ng kanilang manager na umuuwi naman sa ibang bayan. Naka kwarantina na sa bahay ang ating pasyente at ililipat ngayong gabi ng ating RHU gamit ang ambulansya ang kanyang mga kasama sa bahay upang mailagak sa BIU. patuloy na nakikipag ugnayan ang ating bantay covid team sa RHU ng bayan na inuuwian ng index patient upang matukoy kung sya ba ay may mga nakasalamuha sa ating bayan sapagkat dito sya dumadaan. atin pong ginagawa ang lahat kasama na ang malalimang contact tracing upang matukoy ang lahat ng posibleng close contact.

nakasubaybay ang ating ama ng bayan sa bawat kaganapan. kanya ng ipinagutos na makipagugnayan sa simbahan sa Talavera upang matiyak na maayos ang ating kababayang naka kwarantina duon, kanya ding ipinagutos na ang mga walang kakayahan sa buhay na nakakwarantina ay masigurong mabibigyan ng pagkain at kanilang pangangailangan. agad na nag schedule ng disinfection ang ating team upang madekontamina na ang mga lugar na maaaring napuntahan o naninirahan ang mga biktima ng covid.

patuloy ang isinasagawang contact tracing upang matukoy ang lahat ng close contact upang maipaloob sa kwaranting at ang mga matutukoy na close contact ay atin namang isu swab bilang bahagi ng ating mabilisang pagpigil sa pagkalat ng virus.

Atin pong ipanalangin ang ating mga biktima para sa kanilang agarang paggaling.

Parati po tayong mag ingat at sa panahong ito sana huwag munang didikit kahit na sa ating mga ka close na kaibigan sapagkat hindi natin alam kung sya ay positibo sa covid. malinaw po na halos ganito parati ang nangyayari sa mga magkakatrabaho.

Laban ng isa laban ng lahat
Sama samang nating labanan ang Covid

#GuimbaKongMahal

COVID19 as of April 13, 2021 photo