Covid 19 update mula sa ating MHO bantay kalusugan bantay covid teams

Wala pong naitalang positibo ngayong araw
23 ang na swab sa ibat ibang lugar sa ating bayan
At apat na kababayan natin ang nakabalik na.

Sa report ng RHU 1, 2 at 3 walang naitalang positibo ngayong araw at amin itong ikinagagalak. Dalawang team ang nagtulong na ma swab ang mga natitirang close contact at ang mga hindi pa naisama dahil mga walang philhealth ay munisipyo na ang kumikilos para sila ay magkaroon sa pamamagitan ng Point of Service (POS) kung saan ang mga hindi pa member ay ini a apply sa POS. Libre po ang swab na isinasagawa ng munisipyo at mismong sa lugar ng mga close contact ito isinasagawa at ang mga may sintomas naman ay ating sinasamahan gamit ang ating ambulansya, kinokoordina sa swab center o ospital at isinasaayos na sila ay ma swab ng libre. Sapagkat ayaw ng ating Mayor na magastusan pa ang ating mga kababayan lalo nat sila ay mga biktima ng Covid at ayaw din nyang sila ay nahihirapan.

Apat na kababayan nating sila
Pt No. 108 ng barangay Nagpandayan
Pt No. 117 ng barangay St John
Pt No. 118 ng barangay St John
Pt No. 119 ng barangay Sta Veronica
ang nadeklarang recovered na ayon sa DOH recovery and discharge criteria.

Sumunod po tayo sa lahat ng alituntunin at tagubilin ng ating lokal, probinsya at nasyunal na pamahalaan kung nais nating maging ligtas ang ating mga pamayanan. Huwag nating ipilit ang ating gusto dahil kapahamakan lamang ang maidudulot nito sa panahong kasagsagan ng pananalanta ng Covid 19.

Ugaliing magsuot ng face mask at face shield, dumistansya ng isang metro at magsanitize ng kamay. May uuwian kang pamilya kabayan isipin mo ang kanilang kapakanan.

#GuimbaKongMahal