Covid update mula sa ating MHO bantay kalusugan bantay covid teams

Isang kababayan natin ang nagpositibo sa Covid, isa (1) ang nasawi (Pt No. 128) at labing dalawa (12) ang na swab sa araw na ito.
Pahabol na balita: Negative ang 28 na pending result kahapon

Si Patient No. 154 ay 38 taong gulang nagtatrabaho bilang kasambahay, mula sa barangay Pacac close contact ni Pt No. 123 at Pt No. 132. Sya ay naka kwarantina na simula pa ng mapabilang na close contact ni Pt No. 123 at Pt No.132. Inilipat sya sa isolation Unit (BIU) at minomonitor na ng BHERT.

Patuloy ang aming pagbabantay at dire diretso ang isinasagawang contact tracing, disinfection, swabbing para sa mga asymptomatic, pag facilitate ng swab sa labas ng ating bayan para sa mga symptomatic kung saan munisipyo na ang nakikipagkoordina at naghahatid sa ating mga kababayan para wala na silang bayaran sa tulong ma din ng ating Gov Oyie. Inihahatid din namin ang mga nagnanais na magpa swab sa pribado dahil may kakayahan naman sila. Tumututok din kami sa mga emergency situation kung saan kailangan naming maghanap ng ospital upang madala ang mga kababayan nating nangangailangan ng serbisyo ng ospital maging ang cremation.

Wala kaming pinipiling oras umaga man, gabi o madaling araw ay aming tinutugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.

Lubha pong pahirapan ang paghahanap ng ospital ngayon sapagkat ultimo emergency room (ER) ay nakapila ang mga ambulansya at sasakyan mula sa ibat ibang bayan.

Sa ganitong kalagayan, nais po ng ating Mayor na pakiusapan ang bawat mamamayan ng Guimba na tayo po sana ay magingat sa ating mga pinupuntahan, sa ating mga lugar pagawaan o mga trabaho, sa ating paglilibot, sa ating iba pang gawain. Magsuot po tayo ng face mask at face shield dahil mas mataas ang tsansa na kayo ay hindi mahawa. Maghugas o magsanitize ng kamay sa tuwing may hahawakang bagay at dumistansya po tayo sa ating kasama at kapwa.

Sa inyong sariling pagiingat ay may safe na pamilyang uuwian.

#GuimbaKongMahal