Ipinababatid ng Ama ng Bayan, Mayor Boyong Boyong Dizon, na ang Pamahalaang Bayan ay agarang kumikilos upang makabili ng aprubadong COVID vaccine para sa ating mga kababayan.

Tayo ay nakipag-ugnayan sa DOH at base sa kanilang datos, sa humigit kumulang 131,131 na bilang ng populasyon ng ating bayan, 50,824 dito, na kinabibilangan ng mga healthworkers, Senior Citizens at indigents ang bibigyan ng libreng bakuna ng Pamahalaang Nasyonal. Ang 43,538 na mamayan sa ating bayan na may edad na 16 taong gulang pababa ay hindi maaaring bigyan ng bakuna ayon na din sa nasabing sangay ng gobyerno kung kaya ang natitirang 36,769 na kababayan natin ang ating paglalaanan ng pondo para mabakunahan.

Matapos na makuha ang bilang na ito ay agad tayong naglaan ng sapat na pondo at ito ay ating ihahain sa Sangguniang Bayan sa mga susunod na araw para sa kinakailangang awtorisasyon. Patuloy din ang ating pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Nasyonal para sa ating paglagda sa Tripartite Agreement kasama ang DOH at AstraZeneca.

Ang COVID vaccine ay nananatiling boluntaryo lamang sa mga nagnanais nito at inaasahang dumating sa bansa sa kalagitnaan ng taon. Sa ngayon ay hinihiling ni Mayor Dizon ang patuloy na pakikiisa ng bawat isa sa pamamagitan ng pag-iingat sa ating mga sarili, pagsusuot ng face mask, face shield, pag-iwas sa pakikisalamuha sa matataong lugar, pananatili sa bahay kung wala namang importanteng lakad at pagpapanatili ng malusog na pangangatawan.

#WeHealAsOne
#GuimbaKongMahal 💚