Isa na namang kumpirmadong positibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa ating bayan ngayong araw. Si Patient No. 16 ay isang lalaking seafarer na may edad 36 at mula sa Barangay Caingin Tabing Ilog. Siya ay mayroong history of travel sa Manila at kasalukuyan na nasa isang facility quarantine sa Manila, at huling nandito sa ating bayan noong Agosto 24, 2020.

Katulad ng dati ay agad na isinagawa ang ating mga takdang protocols tulad ng contact tracing, isolation ng mga nagkaroon ng exposure sa pasyente, disinfection, at pagbibigay ng food packs sa mga apektadong residente.

Sa kasalukuyan ay TATLO (3) ang ating active cases, habang LABING ISA (11) na ang naka-recover at DALAWA (2) ang pumanaw.

Muli ay pinaaalalahanan ang lahat na ipagpatuloy ang pag-iingat sa ating mga sarili at pagsunod sa mga health protocols. Ipaalam po sa Barangay COVID Monitoring Team at Municipal IATF ang lahat ng mga lalabas at papasok sa ating bayan lalo na iyong mga umuuwi galing sa ibang probinsya. Ang mga paghihigpit na ito ay para sa kaligtasan ng buong komunidad kaya hinihingi po namin ang kooperasyon ng lahat.

#WeHealasOneGuimbaKongMahal 💚