Isang kababayan na naman natin ang nabiktima ng Covid 19.

Si Pt No. 99 ay 67 years old, isang kawani ng STL mula sa barangay tampac 1 at hanggang ngayon ay inaalam pa ng contact tracing team kung saan nya ito nakuha sapagkat hindi naman ito umaalis ng ating bayan. Kasalukuyan syang naka admit sa ospital sa Cabanatuan.

Ang buong team ay pinagutusan na ng ating Mayor na maisagawa ang mga agarang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng sakit katulad ng pagdetermina ng kanyang nakasalamuha at swabbing ng mga close contact. Nag schedule na din ng disinfection ng mga lugar na posibleng kanyang pinuntahan.

Ang lahat ay pinagiingat sapagkat hindi pa tukoy kung saan galing ang sakit samantalang ang mga close contact ay sinisimulan ng ilagay sa kwarantina.

Ugaliing mag mask at kami ay nakikiusap na huwag itong ibaba lalo na kung may ibang taong dumadaan o nakikipagusap, palagiang maghugas o mag alcohol ng kamay at dumistansya ng isang metro upang makaiwas sa isang taong posibleng may dalang sakit.

Keep safe mga kababayan.