August 23, 2020, Sunday

Aming ipinababatid na isang (1) kababayan natin ang naideklarang kumpirmadong POSITIBO sa COVID -19 ngayong araw na ito. Ang ating ika-15 kaso ay isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Barangay San Roque. Siya ay mayroong history of travel sa Metro Manila at Tarlac at nagpositibo sa rapid test noong Agosto 20, 2020 nang siya ay ating hingan nito kaugnay ng kahilingan na makakuha ng Medical Certificate. Dahil dito ay pinayuhan siyang agad na sumailalim sa PCR (swab) test at mag isolate. Ang ating pasyente ay kasalukuyang naka Home Quarantine simula noong Agosto 20, 2020 at mag-isa lamang sa kaniyang tinitirhang bahay habang ang kaniyang pamilya ay atin ding ibinukod ng tirahan habang hinihintay ang schedule ng kanilang PCR (swab) test. Kaagad na nagsagawa ng disinfection ang Municipal IATF at Sanitary Inspectors sa lugar ng ating pasyente, sinimulan din ang Contact Tracing at nagrarasyon ng pagkain sa bahay ng pasyente at sa kaniyang pamilya na nakasailalim sa Home Quarantine.

Sa kasalukuyan ay nananatiling TATLO (3) ang ACTIVE COVID cases sa ating bayan, habang 2 ang pumanaw at 10 ang nakarecover na.

Muli ay pinapayuhan ang lahat na patuloy na pag-ingatan ang ating mga sarili. Manatili sa loob ng mga bahay at lumabas lamang kung lubhang kinakailangan, palagiang magsuot ng face mask, panatilihin ang kalinisan sa sarili at palakasin ang pangangatawan. Sama-sama din nating ipagdasal ang paggaling ng ating mga kababayang nagpositibo sa sakit na ito.

#WeFightAsOneToHealAsOne
#GuimbaKongMahal 💚