Ipinababatid ng Municipal IATF na base sa ulat ng DOH-Nueva Ecija ay muli tayong nakapagtala ng ISANG (1) panibagong kumpirmadong kaso ng COVID sa ating bayan na nagpaabot sa ating kabuuang kumpirmadong kaso sa 54.

Ang bagong kumpirmadong kaso natin ay 60 taong gulang na babae mula sa Barangay San Andres, Guimba, Nueva Ecija. Ang pasyente ay kasalukuyan na naka-confine sa isang pagamutan.

Katulad ng dati, agad na iniatas ni Mayor Boyong Boyong Dizon ang pagsagawa ng lahat ng takdang health protocols ng Municipal IATF, katulad ng contact tracing, disinfection at pagbibigay ng food packs sa mga apektadong residente na kakailanganing sumailalim sa home quarantine dahil sa posibleng nakahalubilo ng mga nasabing pasyente. Iniatas din ni Mayor Dizon sa ating itinalagang Psychologist na agad na makipag-ugnayan sa pasyente at sa kaniyang pamilya upang sila ay maisailalim sa tele-counselling at masiguro na maibsan ang pinagdaraanan nilang pangamba at kalungkutan dulot ng pagdapo ng sakit na ito.

Sa kasalukuyan, sa 54 na kumpirmadong kaso natin ay ISA (1) ang active case, APATNAPUT SIYAM (49) ang naka recover at APAT (4) ang binawian ng buhay.

Patuloy ang paalala ng ating Ama ng Bayan na manatili tayong ligtas sa ating mga tahanan at lumabas lamang kung lubhang kinakailangan. Patuloy tayong sumunod sa mga takdang health protocols lalo na sa mga bagong dating sa ating bayan mula sa ibang lalawigan, ugaliin ang pagsusuot ng face mask, pag-iwas sa matataong lugar, pagpapanatili ng social distancing at paghuhugas ng kamay. Panatilihin nating malakas ang ating pangangatawan at isipan at huwag kalimutan na magdasal para sa kaligtasan ng ating pamayanan laban sa COVID.

#WeHealAsOneGuimbaKongMahal 💚