Ipinababatid ng Municipal IATF na base sa pahayag ng DOH-Nueva Ecija ay muli tayong nakapagtala ng panibagong kumpirmadong kaso ng COVID sa ating bayan na nagpaabot sa ating kabuuang kumpirmadong kaso sa 22.

Si Patient No. 22 ay isang 62 taong gulang na babae mula sa Barangay Maybubon. Siya ay naka admit sa ospital simula pa noong Oktubre 4, 2020 at sumailalim sa PCR (swab) test noong Oktubre 8, 2020. Nananatiling naka admit sa ospital ang nasabing pasyente hanggang sa mga oras na ito.

Katulad ng dati, agad na iniatas ni Mayor Boyong Boyong Dizon ang pagsagawa ng lahat ng takdang health protocols ng Municipal IATF, katulad ng contact tracing, disinfection at pagbibigay ng food packs sa mga apektadong residente na kakailanganing sumailalim sa home quarantine dahil sa posibleng nakahalubilo ng pasyente. Iniatas din ni Mayor Dizon sa ating itinalagang Psychologist na agad na makipag-ugnayan sa pamilya ng pasyente upang sila ay maisailalim sa tele-counselling at masiguro na maibsan ang pinagdaraanan nilang pangamba at kalungkutan dulot ng pagdapo ng sakit na ito sa kanilang kamag-anak.

Sa kasalukuyan, sa 22 na kumpirmadong kaso natin ay ISA (1) ang active case, LABING SIYAM (19) ang naka recover at DALAWA (2) ang binawian ng buhay.

Patuloy ang paalala ng ating Ama ng Bayan na manatili tayong ligtas sa ating mga tahanan at lumabas lamang kung lubhang kinakailangan. Patuloy tayong sumunod sa mga takdang health protocols lalo na sa mga bagong dating sa ating bayan mula sa ibang lalawigan, ugaliin ang pagsusuot ng face mask, pag-iwas sa matataong lugar, pagpapanatili ng social distancing at paghuhugas ng kamay. Panatilihin nating malakas ang ating pangangatawan at isipan at huwag kalimutan na magdasal para sa kaligtasan ng ating pamayanan laban sa COVID.

#WeHealAsOneGuimbaKongMahal 💚