Malungkot na ipinababatid ng Municipal IATF na base sa pahayag ng DOH-Nueva Ecija ay muli tayong nakapagtala ng panibagong kumpirmadong kaso ng COVID sa ating bayan na nagpaabot sa ating kabuuang kumpirmadong kaso sa 21.

Si Patient No. 21 ay isang 52 taong gulang na babae mula sa Barangay San Roque. Siya ay mayroong history of travel sa ilang pagamutan sa ating lalawigan at kasalukuyan na naka-isolate sa ating Barangay Isolation Unit.

Katulad ng dati, agad na nagsagawa ng lahat ng takdang health protocols ang Municipal IATF at ang nakakasakop na RHU, katulad ng contact tracing, disinfection at pag-rarasyon ng food packs sa mga apektadong residente na kakailanganing sumailalim sa home quarantine dahil sa posibleng nakahalubilo ng pasyente. Sumasailalim din sa tele-counselling ang pasyente sa tulong ng itinalagang psychologist ng ating Punong Bayan upang masiguro na maibsan ang pinagdaraanan nitong pangamba at kalungkutan dulot ng sakit na ito.

Sa kasalukuyan, sa 21 na kumpirmadong kaso natin ay TATLO (3) ang active cases, LABING ANIM (16) ang naka recover at DALAWA (2) ang binawian ng buhay.

Patuloy ang paalala ng ating Ama ng Bayan na manatili tayong ligtas sa ating mga tahanan at lumabas lamang kung lubhang kinakailangan. Patuloy tayong sumunod sa mga takdang health protocols lalo na sa mga bagong dating sa ating bayan mula sa ibang lalawigan, ugaliin ang pagsusuot ng face mask, pag-iwas sa matataong lugar, pagpapanatili ng social distancing at paghuhugas ng kamay. Panatilihin nating malakas ang ating pangangatawan at isipan at huwag kalimutan na magdasal para sa kaligtasa ng ating pamayanan laban sa COVID.

#WeHealAsOneGuimbaKongMahal 💚