Kagabi ay isa na namang panibagong kaso ng COVID ang naitala sa ating bayan na nagpaabot sa ating kabuuang kumpirmadong kaso sa 20.

Si Patient No. 20 ay isang 73 taong gulang na babae at nakatira sa Barangay San Roque. Siya ay kasalukuyan na naka admit sa isang ospital sa Tarlac.

Katulad ng dati, agad na nagsagawa ng lahat ng takdang health protocols ang Municipal IATF, katulad ng contact tracing, disinfection at pag-rarasyon ng food packs sa mga apektadong residente na kakailanganing sumailalim sa home quarantine dahil sa posibleng nakahalubilo ng pasyente.

Sa kasalukuyan, sa 20 na kumpirmadong kaso natin ay TATLO (3) ang active cases, LABING LIMA (15) ang naka recover at DALAWA (2) ang binawian ng buhay.

Patuloy ang paalala ng ating Ama ng Bayan na manatili tayong ligtas sa ating mga tahanan at lumabas lamang kung lubhang kinakailangan. Patuloy tayong sumunod sa mga takdang health protocols lalo na sa mga bagong dating sa ating bayan mula sa ibang lalawigan, ugaliin ang pagsusuot ng face mask, pag-iwas sa matataong lugar, pagpapanatili ng social distancing at paghuhugas ng kamay. Panatilihin nating malakas ang ating pangangatawan at isipan at huwag kalimutan na magdasal para sa kaligtasa ng ating pamayanan laban sa COVID.

#WeHealAsOneGuimbaKongMahal 💚