Isang panibagong kaso ng COVID ang naitala sa ating bayan ngayong araw na nagpaabot sa ating kabuuang kumpirmadong kaso sa 18.

Si Patient No. 18 ay isang lalaki na may edad na 74 taong gulang at nakatira sa Barangay Casongsong. Siya ay may history of travel sa Tarlac City at naka isolate sa isang hiwalay na bahay mula sa kaniyang pamilya simula pa noong September 2, 2020.

Katulad ng dati, agad na nagsagawa ng lahat ng takdang health protocols ang Municipal IATF, katulad ng contact tracing, disinfection at pagrarasyon ng food packs sa mga apektadong residente.

Sa kasalukuyan, sa 18 na kumpirmadong kaso natin ay TATLO (3) ang active cases, LABING TATLO (13) ang naka recover at DALAWA (2) ang binawian ng buhay.

Patuloy ang paalala ng ating Ama ng Bayan na manatili tayong ligtas sa ating mga tahanan at lumabas lamang kung lubhang kinakailangan. Patuloy tayong sumunod sa mga takdang health protocols lalo na sa mga bagong dating sa ating bayan mula sa ibang lalawigan, ugaliin ang pagsusuot ng face mask, pag-iwas sa matataong lugar, pagpapanatili ng social distancing at paghuhugas ng kamay. Panatilihin nating malakas ang ating pangangatawan at isipan at huwag kalimutan na magdasal para sa kaligtasa ng ating pamayanan laban sa COVID.

#WeHealAsOneGuimbaKongMahal