Nadagdagan ng isa an gating kumpirmadong positibong kaso ng COVID-19 kahapon, Agosto 30, 2020. Si Patient No. 17 ay isang 32 taong gulang na babae mula sa Barangay Bantug. Siya ay mayroong history of travel sa San Fernando City, Pampanga kung saan siya tatlong beses na nagpunta sakay ng pampublikong sasakyan upang mag-ayos ng kaniyang dokumento sa pagbabalik trabaho. Siya ay nakasailalim sa strict home quarantine at walang kasama sa bahay simula pa noong August 29, 2020. Ang kaniyang pamilya ay naihiwalay na din sa isa pang bakanteng bahay at nakasailalim sa monitoring ng BHERTs.

Noong araw mismo na lumabas ang resulta ng PCR (swab) test ng pasyente ay agad na nagsagawa ang Municipal IATF ng lahat ng takdang protocols tulad ng contact tracing, isolation ng mga nagkaroon ng exposure sa pasyente, pagsailalim sa PCR (swab) test ng kaniyang mga close contact, disinfection and pagbibigay ng food packs sa mga apektadong pamilya at residente.

Sa kabuuang LABING PITONG (17) kaso ng COVID-19 sa ating bayan, APAT (4) dito ang active cases, LABING ISA (11) ang naka-recover na at DALAWA (2) ang pumanaw.

Muli ay pinaaalalahanan ang lahat na ipagpatuloy ang pag-iingat sa ating mga sarili at pagsunod sa mga health protocols. Ipaalam po sa Barangay COVID Monitoring Team at Municipal IATF ang lahat ng mga lalabas at papasok sa ating bayan lalo na iyong mga umuuwi galing sa ibang probinsya. Ang mga paghihigpit na ito ay para sa kaligtasan ng buong komunidad kaya hinihingi po namin ang kooperasyon ng lahat.

#WeHealAsOneGuimbaKongMahal 💚