Patuloy po tayong magingat mga kababayan sapagkat ang Covid 19 ay nananatili at sa kasalukuyan ay umakyat pa ang bilang ng mga kaso simula 3,000 petsang June 13 hanggang 19 at pumalo sa 5,500 ngayong June 24, 2022.

Nagtala tayo ng tatlong kaso sa ating bayan kahapon June 23, 2022.

Hinihikayat ang lahat ng 18 years old pataas na may apat na buwan na ang kanilang huling bakuna na magpa booster na at ang mga wala pang bakuna ay aming tinatawagan ng pansin na magpabakuna na sapagkat ito lamang ang nakikitang paraan kasama na ang pagsunod sa minimum public health standard upang maibalik natin ang dati tungo sa bagong normal.