Bumaba ang bilang ng suspected dahil lumabas na ang resulta ng kanilang swab test na puro negative. Bumaba din ang PUM sapagkat nakapagtapos na ng kwarantina ang mga ito.

Magingat po tayo at paulit ulit po naming ipinapaalala sa lahat na mandatory po ang face mask. Ibig sabihin kinakailangan po ninyong magsuot nito at kung hindi natin susundin ay may karampatang parusa na itinakda ng mga batas at alituntunin. Huwag kakalimutang dumistansya ng isang metro dahil mas mainam napo ito kaysa anim na talampakan ang ating kahantungan. Hindi po nagpapabaya ang ating lokal na pamahalaan na kayo ay paalalahanan.

Payapa ang buhay kung tayo ay hindi sumusuway.
#GuimbaKongMahal