Nakakalungkot na isa na naman nating kababayan ang naging biktima ng sakit at ito ay isang Ginang mula sa barangay San Rafael. Pinaniniwalaang nakuha nya sa maynila ang sakit o nahawa sa kanyang kasama.

Ipinagutos ng ating Ama ng Bayan na kagyat na magsagawa ng kaukulang hakbang upang hindi na kumalat pa ang sakit. Agad namang ikwinarantina ng MHO ang lugar kung saan naroon ang biktima, nagsagawa ng contact tracing at isinasaayos ang mga nangangailangan ng tulong ng pamahalaan katulad ng kanilang pagkain at iba pa. Nag schedule na din ng disinfection at mahigpit na minomonitor ang kanilang lugar kasama na ang mga identified na close contact. Sinisiyasat din kung may mga taong kinakailangang mabigyan ng SWAB test upang masiguro na hindi kakalat ang sakit.

Kasalukuyang isinasaayos ang lahat at binabantayan ng pamahalaan kung kayat wala ng dapat pang ipag alala ang taumbayan.

Ipagdasal po natin ang kanilang agarang paggaling at marapat lamang na tayo ay magingat. Sumunod po tayo sa mga tagubilin ng pamahalaan.

Sa awa ang Dyos
Malalampasan nating lahat
#GuimbaKongMahal