Syam (+9) na positibong kaso

Mga kaso:
Patient no: 988 age: 48 gender: FEMALE
address: CAWAYAN BUGTONG
status: SYMPTOMATIC
disposition: HOME QUARANTINE
Billing clerk, walang travel history at naging close contact ng isang covid positive

PATIENT NO: 989 AGE: 57 GENDER: MALE
ADRESS: BRGY. MATURANOC
STATUS: SYMTOMATIC
DISPOSITION: HOSPITAL ADMITTED
Walang travel history at wala pang madeterminang exposure

Patient no: 990 age:25 gender: Male
address: BRGY, ESCAÑO
status:ASYMPTOMATIC
disposition: HOME QUARANTINE
Contact tracer, walang travel history at kinukumpirma kung saan sya na expose

PATIENT NO: 991 AGE: 61 GENDER: MALE
ADRESS: BRGY. CAWAYAN BUGTONG
STATUS: SYMPTOMATIC
DISPOSITION: HOSPITAL ADMITTED
Walang history of travel at wala pang madeterminang exposure

Patient no:992 age: 62 gender:FEMALE
address: MANACSAC
status: SYMPTOMATIC
disposition: ADMITTED (PREMIER)
Walang travel history at wala pang madeterminang exposure

Patient no:993 age: 30 gender:MALE
address: ST JOHN DIST
status: SYMPTOMATIC
disposition: HOME QUARANTINE
Empleyado ng munisipyo, walang travel history at wala pang madeterminang exposure

Patient no:994 age: 50 gender:FEMALE
address: BRGY SAN ROQUE
status: SYMPTOMATIC
disposition: HOME QUARANTINE
RHU midwife, walang travel history at naging close contact ng isang covid positive

Patient no:995 age: 47y gender:FEMALE
address: BRGY SAN ROQUE
status: SYMPTOMATIC
disposition: HOME QUARANTINE
RHU staff, walang travel history at naging close contact ng isang covid positive

Patient no: 996 age: 75 gender: FEMALE
address: BRGY. BACAYAO
status: SYMPTOMATIC
disposition: ADMITTED AT GUIMBA GENERAL HOSPITAL.
Walang travel history at wala pang madeterminang exposure

Patuloy na isinasagawa ang contact tracing upang matukoy kung saan nakuha ng mga nagpopositibo ang virus. Patuloy nating nilalabanan at pinipigilan ang pagkalat ng covid sa ating bayan na sumusulpot na lamang sa ibat ibang lugar.

Nalalaman ng covid response team na ang pinaka sanhi ng ating local transmission ay ang hindi pagsasabi ng tapat sa nararamdaman, hindi nagpapatest at patuloy na pakikisalamuha. Sumabay sa panahon ng trangkaso dahil sa pagulan ulan ang pagkakasakit ng Covid at sa ganitong kalagayan ay hindi na naihihiwalay ang normal na trangkaso at covid na virus.

Sa imbestigasyong isinasagawa, lumalabas sa inisyal na ilan sa mga nagpositibong kaso ay nag akala na itoy isa lamang trangkaso na makalipas ang ilang araw gumaling agad kung kayat nakisalamuha na sila sa mga tao. Mayroon ding maaaring alam nila o may suspetsa silang may covid na sila pero patuloy na nakikisalamuha sa tao at natutuklasan lamang kapag lumala na ang kanilang kundisyon.

Kahit na anong pilit pigilan ng pamahalaang lokal, magpapatuloy ang ganitong kalagayan kung mananatiling isinisikreto o binabalewala ng mga tao ang kanilang kalagayan o kundisyong pangkalusugan.

Hinihikayat ng pamahalaang lokal na magpatest napo kayo. Tawagan ang RHU, ireport ang nararamdaman na may kaugnayan sa covid lalo na kung alam ninyong may mga nagkakasakit na din sa inyong mga nakasalamuha. Itatrato naming confidential ang inyong pagrereport.

Maaari ding komunsulta online sa One Health Guimba facebook page para sa lahat ng aspetong medical covid man o hindi.

Magtulungan po tayo upang hindi na lumala ang ating kalagayan.

COVID-19 Update as of September 15, 2021 photo