Dalawang (2+) kababayan natin ang nagpositibo sa Covid matapos lumabas ang resulta kung saan labing dalawa (12-) ang negatibo

Si Patient No. 90 ay 61 taong gulang mula sa barangay San Miguel at asawa ni Pt No. 83. Kasalukuyang si Pt No. 90 ay QF.

Si Patient No. 91 ay 54 taong gulang mula sa barangay Banitan at kasalukuyan naka kwarantina o isolated na sa isang bahay bago pa man lumabas ang resulta. Kawani sya ng ating palengke. Sya ay pinaniniwalaang nahawa kay Pt. No. 70 o kay Pt No. 72

Labing lima naman ang libreng na swab ngayong araw at kasalukuyang dinadala na ng team RHU ang mga samples sa surian ng mga specimen sa Pampanga.

Dahil sa mabilis na pagtugon at paglatag ng kaukulang hakbang, sa Giya ng ating Ama ng Bayan Jose Boyong Boyong Dizon, ay matagumpay nating na isolate ang lahat ng posibleng nahawa kung kayat agad na napababa ang bilang ng mga nagpopositibo subalit hindi pa tapos ang laban at kinakailangan ng pamahalaan ang tulong at kooperasyon ng bawat isa. Saka napo tayo magreklamo para sa ating mga sari sariling kapakanan kapag ligtas na ang ating bayan.

Ugaliing magsuot ng face mask (MASK) i sanitize ang kamay (HUGAS) at dumistansya (IWAS)

Tayo ay lalaya din sa pandemyang kinakaharap kung matututunan lamang ng lahat na alisin muna ang pansariling kapakanan at panaigin ang kapakanan ng lahat para sa ikatatagumpay ng ating laban
#GuimbaKongMahal