Covid 19 update mula sa ating MHO bantay kalusugan bantay covid.

Isang kababayan natin ang nagpositibo sa Covid at nakuha ngayong hapon ang resulta.

Si Patient No. 119 ay isang 50 taong gulang na OFW mula sa barangay Sta Veronica. May history of travel sa Pampanga at nagpa swab sa Cabanatuan bilang requirement upang makaalis ng bansa.

Kasalukuyang inaalam na ng contact tracing ang lahat ng kanyang nakasalamuha. Ang mga kasama sa bahay ay agad na ikwinarantina at nagsagawa agad ng paunang hakbang upang ma isolate ang biktima.

Manatili po tayong nagiingat sa pamamagitan ng palagiang pagtatakip ng ilong at bibig (face mask), pagsusuot ng face shield, pagsanitize ng kamay (hugas o alcohol) at dumistansya ng isang metro.

Kumikilos po ang pamahalaan upang pigilan ang pagkalat ng sakit subalit kinakailangan din po ng munisipyo ng tulong mula sa taumbayan sa pamamagitan ng simpleng pagsunod sa utos. Mahalaga ang buhay ng bawat isa at may karapatan ang bawat isa na sitahin o isumbong sa kinauukulan ang mga walang face mask o nakababa ang face mask bilang bahagi ng sariling pagiingat.

Tulong tulong tayong igpawan ang matinding pagsubok na ating kinakaharap. Sinisira ng covid ang ating kabuhayan, buhay at pamayanan. Magtulungan tayong labanan ang sakit na ito.

Para sa ating kinabukasan
Para sa ating bayan
#GuimbaKongMahal

COVID-19 update as of march 28, 2021 photo