Covid 19 update mula sa ating Municipal Health Office Bantay kalusugan bantay Covid team.

Tatlo (3+) ang ating kumpirmadong positibo na natanggap sa araw na ito:

Si Patient No. 113 ay 37 taong gulang isang alagad ng batas na nakadestino sa ibang bayan at ngayon ay naka kwarantina na sa isang isolation unit. Mula sya sa barangay Bantug. Hanggang sa ngayon ay tinutukoy pa ng mga bantay Covid kung saan nya nakuha ang virus sapagkat wala syang naideklarang history of travel at wala namang naging positibong kaso sa kanyang destinong bayan.

Si Patient No. 114 ay 59 taong gulang na retirado at close contact ni Pt No. 104. Nakakwarantina na sya matapos na ma identify na close contact ni Pt No. 104 at nito lamang ay dinala sa ospital at napabilang na sa admitted. Sya ay mula sa barangay St John.

Si Patient No. 115 ay 47 taong gulang na driver at maraming history of travel sa probinsya ng Pampanga, sa bayan ng Bayambang at sa syudad ng Cabanatuan. Hindi pa matukoy kung saan nya ito nakuha sa dami ng mga bayan na kanyang napuntahan. Agad na ipinaloob sya sa kwarantina kasama na ang kanyang mga nakasalamuha o close contact. Mula sya sa barangay Sta Veronica.

Ang lahat ng mga na naitalang nakasalamuha ng ating mga biktima ng Covid ay kasalukuyang naka kwarantina at pino proseso ang kanilang swab test upang matukoy kung sino sino ang maaaring nakakuha ng virus. Ikinasa na din ang schedule ng disinfection para mapuksa ang virus na maaaring nasa paligid lamang habang ang mga wala namang kakayahan ay pinapadalhan ng pagkain, gamot at bitamina.

Mayroong tayong 25 na swab sa loob ng dalawang araw.

Napaka hirap magtukoy ng mga close contact at hindi natin alam kung sino sino ang nagkakaroon ng Covid lalo na ngayon na lumalaganap sa buong kapuluan ang sakit. Hindi din natin kayang 100% na tukuyin lahat ng close contact sa pinaka mabilis na paraan sapagkat hindi na sariwa pa sa memorya ng isang pasyente ang kanyang mga naging aktibidades sa buong labing apat na araw bago sya maideklarang positibo. Kung kayat nagpapatupad ng ibang measure ang pamahalaan upang ma contain ang paglaganap ng virus.

Kooperasyon ng lahat ay kailangan upang ating sama samang mapaglabanan ang sakit.

Ipanalangin natin ang agarang paggaling ng mga kumpirmadong pasyente sapagkat sila ay mga biktima ng covid.

Ingat po mga kababayan. Iwasang makihalubilo muna sa panahong ito at parating magsuot ng face mask at face shield.