Kagyat na epekto ng pagbubukas ng bawat bayan ang halos araw araw na pagkakaroon ng mga positibong kaso.

Sa muling kasawiang palad ay tatlo (3+) kababayan natin ang naitala o naibilang sa ating bayan na kumpirmadong positibo sa Covid 19.

Si Patient No 106 ay 29 taong gulang nagtatrabaho at may travel history sa labas ng ating bayan. Sya ay nagmula sa barangay Maturanoc at hanggang sa ngayon ay hindi pa tukoy kung kanino nya ito nakuha sapagkat wala pang nakuhang pahayag mula sa kanya kung may nakasalamuha ba syang positibo sa Covid 19. Patuloy na inaalam ng ating mga contact tracer kung saan nya ito posibleng nakuha.

Si Patient No. 107 ay 33 taong gulang na nagtatrabaho sa bayan ng Sto Domingo at pinaniniwalaang nahawa sa isang nagpositibo sa lugar na pinagtatrabahuhan. Sya ay mula sa barangay Caballero at kasalukuyang naka kwarantina sa isolation unit ng nasabing bayan.

Si Patient No. 108 ay 51 taong gulang na nagtatrabaho bilang science researcher sa Philrice Munoz at pinaniniwalaang close contact ng isang positibo sa Covid na hindi nagmula sa ating bayan. Sya ay mula sa barangay Bunol at kasalukuyang naka kwarantina na.

Agad na ipinagutos ng ating Mayor na hanapin lahat ng mga posibleng nakasalamuha ng ating mga biktima para maikwarantina at ma swab na din upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa mga payamanang kinabibilangan nila.
Nagkasa na din ng disinfection para dito habang patuloy ang mga tracer sa paghahanap ng kanilang mga nakasalamuha.

Mayroon po tayong labing limang na swab at nadala na sa processing center ang mga specimen.

Mayroon po tayong mga recovered
Pt No. 82 ng barangay Maturanoc
Pt No. 88 ng barangay Cavite
Sila ay naideklara ng recovered ayon sa DOH recovery and discharge criteria. Ating ipanalangin ang agarang paggaling ng mga biktima ng mapamuksang sakit.

Hindi napo maganda ang sitwasyon ngayon
Kung kayat pinagiingat ang lahat.
Ang pagiingat ay magsisimula sa ating mga sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin ng pamahalaan. Magkaisa po tayong labanan ang pandemyang ito.

#GuimbaKongMahal