Sa kasawiang palad ay dalawa ang naitalang Covid positive sa ating bayan

Si Pt No.100 ay isang 25 taong gulang na nagmula sa barangay Lamorito. Nagbantay kay Pt No. 97 at pinaniniwalaang sa kanya nya nakuha bago nasawi ang biktimang si Pt. 97. Napasakamay ng bantay kalusugan bantay covid team ang resulta ngayon lamang subalit kumilos na ang buong team kahapon pa hanggang sa kasalukuyan upang ma contact trace ang kanyang mga nakasalamuha matapos na makakuha ng advance na impormasyon. Kasalukuyang ipinapaloob na sa kwarantina ang lahat ng close contact.

Si Patient No. 101 naman ay 42 taong gulang vendor sa palengke at may naitalang history of travel sa Cabanatuan, Talavera at Munoz. Dumalaw sya sa kanyang ina (nakatira sa Munoz) na sinasabing nagpositibo sa Covid at pinaniniwalaang dito nya nakuha. Kasalukuyang nagsasagawa ng contact tracing ang team at ikinasa na ang disinfection ng mga lugar na maaaring napuntahan ng ating pasyente.

Mayroon naman tayong pitong naka recover:
Pt No. 84, 85, 86 at 87 mula sa Sto Cristo at
Pt No. 90, 92 at 93 mula sa San Miguel ay itinuturing ng recovered ayon sa DOH recovery and discharge criteria.

Ang lahat ay pinagiingat
Mahirap magsisi sa huli.
Ugaliing nakasuot ang face mask
Maghugas ng kamay
At dumistansya ka kabayan bago mahuli ang lahat.

MASK HUGAS IWAS. INGAT PO MGA KABABAYAN
#GuimbaKongMahal