Update: alamin ang bagong covid situation report mula sa MHO/MESU/RHU

Anim (+6) ang nagpositibo
Tatlo (3) ang recovered
Nakapag sagawa ng apat (4) na Swab RT PCR at ipinadala na sa Pampanga ang mga specimen. Pitong (7) Swab Antigen at negatibo lahat.

Nadeklara ng recovered sila
Pt No. 523 ng Tampac 2 3
Pt No. 522 ng Catimon
Pt No. 537 ng Sta Veronica
Ayon sa DOH recovery and discharge criteria.

Mga positibo:

Patient no:571 age: 72 gender: FEMALE
address: SAN BERNARDINO
status: SYMPTOMATIC
disposition: DIED
Walang history of travel at exposure. Sa kasawiang palad ay binawian na ng buhay

Patient no: 572 age:62 gender:FEMALE
address: MACAPABELLAG
status:SYMPTOMATIC
HOME QUARANTINE
BHW, Walang history of travel at exposure

Patient no: 573 age:35 gender:MALE
address: MACAPABELLAG
status:SYMPTOMATIC
HOME QUARANTINE
Magsasaka, walang history of travel at exposure at tinitignan ang kaugnayan at posibilidad sa pagkakasakit ni Pt No. 572 bilang close contact o index patient.

PATIENT NO: 574 AGE: 61 GENDER: FEMALE
ADRESS: CULONG
STATUS: SYMTOMATIC
HOSPITAL ADMITTED
Maybahay, Walang history of travel at exposure

Patient no: 575 age:57 gender:FEMALE
address: SARANAY
status:SYMPTOMATIC
HOSPITAL ADMITTED
Maybahay, Walang history of travel at exposure

Patient no: 576 age:24 gender:female
address: CABALLERO
status:ASYMPTOMATIC
HOSPITAL ADMITTED
Maybahay, Walang history of travel at exposure

Karamihan sa pasyente ay nakakaranas ng hirap ng paghinga kung kayat makabubuti sa kanila na nasa ospital upang mabigyan ng karampatang serbisyong medikal habang ang isa nating kababayan ay pumanaw na.

Itinaas na muli ang alarma ng pagbabantay sapagkat dalawang araw na tayong may anim na positibong kaso at nagsisimula na namang maging kampante ang ating mga kababayan. May mga narereport na wala o nagbababa ng kanilang face mask. Ang ating kapulisan at task force kasama ang mga volunteers ay muling magiikot upang paalalahanan ang ating mga kababayan para sa kanilang sariling kaligtasan.

Babala sa lahat: Ang mga mahuhuling nakababa at walang suot na face mask at walang balidong dahilan ay bibigyan ng notice to undergo community service. Pagwawalisin sila sa kabayanan bilang parusa sa pagwawalang bahala sa minimum health standard/protocol.

Mag MASK, SHIELD, HUGAS, IWAS upang manatiling ligtas sa Covid 19. Mahirap ang buhay at napakamahal ma ospital kabayan.